Advertisers

Advertisers

2 holdaper arestado sa Tondo

0 14

Advertisers

NATIMBOG ng Manila Police District ang dalawang holdaper sa Tondo, Manila, Sabado ng gabi, Nobyembre 4.

Unang naaresto ng mga tauhan ni Lieutenant Colonel Roberto Mupas, Commander ng MPD- Raxabago Police Station, si Roberto Aquiño, 35, ng Permanent Housing sa Tondo.

Sa report, 3:00 ng hapon nagsagawa ng Anti- Criminality Campaign sa Area of Responsibility (AOR) ang Smokey Police Community Precinct ng Station 1, nang mamataan ang isang lalaki sa panulukan ng Mel Lopez Boulevard at Permanent Housing, Barangay 128.

Nabatid sa report na talamak ang holdapan sa nasabing lugar.

Nang lapitan ng mga otoridad si Aquiño, may hawak itong metal pipe na nang rebisahin ay nadiskubre itong isang pen gun na may isang bala.

Nagawa pang makaalpas ni Aquiño hanggang sa makorner ito,.

Dinakip naman ang isang 19-anyos nang nakitaan ito ng isang improvised shotgun (sumpak) na kargado ng bala sa panulukan ng C.P Garcia at Pacheco Street, Barangay 116, Tondo, 6:00 ng gabi.

Sangkot ang binatilyo sa sunod-sunod na holdapan sa lugar. Nabatid na sangkot din ito sa shooting incident noong Setyembre 29, 2020 at napatay ang kanilang target. Kaya nahaharap din ito sa kasong ‘Murder’. (Jocelyn Domenden)