Advertisers

Advertisers

Tsekwa, buking sa food delivery na may shabu

0 16

Advertisers

ARESTADO ang isang Chinese national nang mahulihan ng shabu sa pina-deliver nitong pagkain sa Pasay City, Sabado ng gabi.

Sa ulat, nasakote ang lalaki habang iniinspeksyon ng guwardya ng gusali ang dala nitong pagkain kungsaan nadiskubre ang nasa 2 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P13,600.

“Meron silang functioning na mess hall or restaurant inside the building so maybe it cause suspicion dun sa guard kasi may pagkain naman sa loob, tapos nagpa-deliver parin siya,” ayon kay Police Major Christel Carlo Villanueva, OIC ng Substation 1 ng Pasay CPS.

“Given naman na ganun talaga kahigpit kasi na-raid ‘yung lugar so dapat walang makalusot both coming in and out of the building,” dagdag ni Villanueva.

Lumabas din sa kanilang imbestigasyon na hindi galing sa fast food restaurant ang naturang delivery kundi sa umano’y drug personality mula Las Piñas.

“According to the delivery rider, pinick-up niya ‘yung pagkain from a person and then diniliber. Parang from person to person ‘yung transaction, hindi siya sa fast food,” sabi ni Villanueva.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang suspek.

Iniimbestigahan narin ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng taong nagpadala ng pagkain.