Advertisers

Advertisers

P57.79B budget ng hudikatura para sa 2024 – DBM

0 17

Advertisers

NAGLAAN ang Department of Budget and Management (DBM) ng P57.79 bilyong pondo para sa sangay ng hudikatura para sa susunod na taon.

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, nakapaloob ang naturang pondo sa 2024 national budget.

Ani Pangandaman, mas mataas ito ng P2.88 bilyon kumpara sa kasalukuyang budget na P54.91 bilyon.



Ayon kay Pangandaman, pagtupad ito sa pagsisikap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maging mahusay at maasahan ang pangangasiwa sa sangay ng hudikatura.

Naka-angkla sa temang “Agenda for Prosperity: Securing a Future-Proof and Sustainable Economy,” ang pinapaaprubahang Fiscal Year 2024 national budget na nagkakahalagang P5.768 trilyon.



Sa naturang halaga, P27.65 billion dito ang nakalaan sa adjudication program ng Korte Suprema, mababang korte, Sandiganbayang, Court of Appeals, at Court of Tax Appeals.

Habang P4.19 billion naman ang nakalaan para konstruksyon at pagkukumpuni ng mga hall of justice sa buong bansa.



Maliban dito, mayroon ding P1.442 bilyon na nakalaan para sa mga kinakailangan sa ICT tulad ng Cybersecurity solutions, pag-renew ng security applications ng SC, pagpapabuti ng koneksyon at mga server ng data, at pagbuo ng mga e-Filing at e-Service Module sa ilalim ng Justice Sector Convergence Program.

Itinaas naman sa P720.956 milyon ang pondo para sa computerized bar examinations. Mas mataas ito kumpara sa kasalukuyang budget na P510 milyon.

Nasa P100 milyon naman ang inilaan para sa Special Shari’ah bar examinations.