Advertisers

Advertisers

Phl bilang global remote work hub… SEN. GO: FREELANCE WORKERS, SUPORTAHAN

0 13

Advertisers

Habang itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa nangungunang global remote work hub, iginiit ni Senador Christopher “Bong” Go na dapat suportahan ang mga freelance worker sa bansa.

“In a world marked by unprecedented changes brought about by the COVID-19 pandemic and other global crises, the way we work and where we work has evolved significantly. The rise of remote work is fast becoming a hub for freelance workers,” sabi ni Go.

Kamakailan ay nag-post ang World Economic Forum (WEF) sa Instagram ng sampung pinakamabilis na lumalagong remote work hub sa mundo batay sa data mula sa Nomad List, isang platform kung saan mahigit 10,000 miyembro ang nagla-log sa kanilang remote work locations.



Ang Pilipinas ay nasa ika-7 posisyon sa listahan, kung saan kasama ang iba pang destinasyon sa buong Asia, South America, at Europe. Mula 2018 hanggang 2022, nasaksihan ng bansa ang 78 porsiyentong pagtaas ng remote work opportunities.

Ngayong 2023, batay sa datos mula sa unang sampung buwan, patuloy ang pagtaas ng bansa na may 60 porsiyentong growth rate. Noong nakaraang taon, ang rate ng paglago ay 1,183 porsiyento, nagpapakita ng mabilis na pagpapalawak ng remote work ecosystem sa bansa.



Si Sen. Go, miyembro ng Senate Committee on Labor, ay isa sa vocal advocate ng mga karapatan at kapakanan ng freelance workers.

Sa katunayan, patuloy niyang itinutulak ang mga patakarang sumusuporta sa paglago ng remote work at freelancing sa bansa bilang behikulo sa mas maraming economic opportunities para sa mga Pilipino.



“Maraming nawalan ng trabaho noong pandemya. Dagdag pa rito ang economic impact ng mga pandaigdigang krisis at pagtaas ng inflation. Kaya importante na masuportahan natin ang mga industriya na makapagbibigay ng dagdag na pagkakakitaan ng mga Pilipino,” paliwanag ni Go.

Sinabi ni Go na dahil sa nature ng remote work na kahit saan ay pwede magtrabaho, magandang oportunidad ito sa ating mga kababayan na naghahanap nang mas maayos o mas mataas na pagkakakitaan na pandagdag sa kailangan ng kanilang pamilya lalo ngayong tumataas ang presyo ng mga bilihin.

Dahil dito, inihain ni Go ang Senate Bill No. (SBN) 2107 o ang “Freelance Workers Protection Act.”

Ang mungkahing batas ay idinisenyo upang magtatag ng mga pananggalang at mga insentibo para sa freelance workers na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagkilala sa kanilang karapatan at pagtiyak ng patas na kabayaran sa kanilang mga serbisyo.

Anumang entity na nakikibahagi sa serbisyo ng isang freelance worker ay dapat gawing pormal sa pamamagitan ng kontrata.

Kung maisasabatas, kailangan ang paunang pagbabayad na hindi bababa sa 30% ng presyo ng kontrata. Para sa freelance workers na kinakailangang magtrabaho sa gabi, dapat silang makatanggap ng night shift differential na hindi bababa sa 10% ng kanilang karaniwang kabayaran.

Higit dito, ang lahat ng freelance workers na nasa mga mapanganib na lugar ay dapat bigyan ng hazard pay, katumbas ng minimum na 25% ng kanilang kabuuang kabayaran.

Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang mamahahala sa pag-iimbestiga sa mga reklamo hinggil sa mga posibleng paglabag sa panukalang batas na ito.