Advertisers

Advertisers

Angkas ng motorsiklo nahulog sa Quezon Ave flyover

0 16

Advertisers

NAGTAMO ng mga sugat at bali sa braso ang isang 37-anyos na babae matapos mahulog mula sa Quezon Avenue flyover nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Ayon kay Police Corporal Kenneth Refugia ng QCPD Traffic Sector 6, nakaangkas ang babae sa isang motorsiklo na minamaneho ng kanyang asawa nang mabangga sila ng isang truck.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumama sa barrier ang motorsiklo at nahulog ang babae sa flyover.
Isinugod agad ng mga tauhan ng QC Task Force Disiplina ang babae sa ospital.



Kwento ng driver ng truck, galing siya ng Pasig at magde-deliver sana ng lupa sa Bulacan. Binabaybay nila ang northbound lane ng flyover nang bigla umanong may huminto na van sa kanilang harapan.

Napilitan siyang pumreno at napakabig sa kaliwa kaya nabangga niya ang motorsiklo.



Nasa kustodiya na ng QCPD Traffic Sector 6 ang driver ng truck.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">