Advertisers

Advertisers

Lalaking inatake ng epilepsy sa riles, lasog sa tren

0 11

Advertisers

NALASOG ang katawan ng isang lalaki nang masagasaan ng tren sa Polangui, Albay.
Nangyari ang insidente Lunes ng gabi sa Barangay Lanigay, Polangui.

Base sa imbestigasyon ng Polangui Municipal Police Station, natumba ang lalaki sa riles nang atakihin ng epilepsy. Nataon naman na may paparating na tren mula sa Naga City at patungong Ligao City, at doon na nasagasaan ang biktima.

Iginiit naman ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng impormasyon tungkol sa pag-iingat para maiwasan ang mga katulad na sakuna lalo na ang mga nakatira malapit sa riles.



“Lalong lalo na kapag umaandar na ‘yung tren na dadaan po diyan, siguraduhin po natin na malayo po tayo, at mag-ingat po lagi dahil alam po natin kung gaano kadelikado. Dahil ‘yung mga ganyan, hindi katulad ng mga sasakyan na pwede silang mag-brake agad-agad,” ayon kay Police Captain Kharren Formales, public information officer of the Albay Police Provincial Office.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">