Advertisers
INILABAS na nitong Linggo (November 5) ang GMA Christmas Station ID na may temang #FeelingBlessedNgayongPasko.
Bukod sa touching stories ng pagiging blessing sa kapwa, tampok din sa CSID ang mga naglalakihang artista at mga bagong karakter na susubaybayan ng mga Kapuso.
Kabilang diyan ang mga bida ng “Stolen Life” na sina Carla Abellana at Gabby Concepcion. Dapat ding abangan si Beauty Gonzalez sa naturang serye na magsisimula na sa GMA Afternoon Prime this November 13.
Naghatid din ng good vibes sa Christmas video ng GMA ang mga bagong Sang’gre na sina Bianca Umali, Faith Da Silva, Kelvin Miranda, at Angel Guardian. Mapapanood din sa Christmas Station ID ang cast ng “Shining Inheritance” na sina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager, Roxie Smith, at Ms. Coney Reyes.
Ipinasilip din sa CSID ang bigating cast ng “Lilet Matias: Attorney-at-Law” na sina Jo Berry, Maricel Laxa, Sheryl Cruz, Rita Avila, Jason Abalos, EA Guzman, at Analyn Barro. Samantala, mula naman sa upcoming series na “Asawa Ng Asawa Ko,” nagsama-sama sina Jasmin Curtis-Smith, Rayver Cruz, Liezel Lopez, Crystal Paras, at Martin del Rosario para magpaabot ng Christmas feels.
Mapapanood ang GMA Christmas Station ID 2023: #FeelingBlessedNgayongPasko sa official social media accounts ng Kapuso Network.
***
AOS queens, concert-ready na
LESS than one month na lang at magaganap na ang inaabangang Queendom: Live concert ng AOS vocal queens handog ng GMA Synergy! Masisilayan na this December 2 sa Newport Performing Arts Theater ang world-class talent nina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, Rita Daniela, Jessica Villarubin, Thea Astley, Mariane Osabel, at Hannah Precillas.
Kitang-kita sa performances nila sa AOS every Sunday na concert-ready na sila at handang-handa na silang humarap sa kanilang fans na for sure ay excited na silang mapanood. Sigurado ring grabeng paghahanda at ensayo na ang kanilang ginagawa para talagang maipakita ang pagiging total performer nila bilang tatak GMA artists.
Ano pang hinihintay ninyo? Witness the queens in action at bumili na ng ticket via www.gmanetwork.com/synergy or www.ticketworld.com.ph.
***
Black Rider, inaabangan!
MAGBABAGO na ang kulay ng primetime dahil nagpakilala na ang bagong bayaning magbibigay ng hustisya sa mga naaapi!
Mapapanood na after 24 Oras sa GMA Telebabad ang Black Rider na pinagbibidahan ni Primetime Action Hero Ruru Madrid. Makakasama niya rito ang iba pang bigating stars gaya nina Matteo Guidicelli, Yassi Pressman, Katrina Halili, at Kylie Padilla. Napakarami pang young at veteran actors ang mapapanood sa seryeng ito kaya talagang excited ang viewers sa seryeng ito.
Ang action-packed series na ito ang latest primetime offering ng GMA Public Affairs. Worth the hype ang seryeng ito dahil hindi lang basta-basta ang kwento nito — masisilayan kasi dito ang elevated Pinoy action while emphasizing family love at heroism. For sure, maraming emosyon ang madarama ng viewers habang pinapanood ang Black Rider at marami silang aral na mapupulot sa mga karakter.
Sabay-sabay nating alamin ang kwento ng buhay ni Elias, ng Biyaheroes, Golden Scorpion Boys, at ng iba pang tauhan ng Black Rider tuwing 8 PM sa GMA Telebabad.