Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA kanyang Instagram, ipinasilip ni Joshua Garcia ang ilang snapshots ng concert ng Cold Play sa Japan.
May caption itong: “Hello @coldplay ????”
Sa social media account naman ng golfer na si Emilienne Vigier, may post itong: “Forever a cry baby? @coldplay #2hoursofcrying world record di po kinaya ng tissue paper.”
Kaya naman dahil sa pagwa-wan plus wan ng mga marisol ay mahihinuha mong magkasamang nanood ang dalawa ng concert ng sikat na British rock band sa Tokyo Dome sa Japan noong Nobyembre 7.
Ito ay kahit na walang post si Joshua na magkasama sila ng French-Pinay girlfriend sa nasabing concert.
Umani naman ng samu’t saring reaksyon ang ipinost ni Joshua sa kanyang IG.
Nag-react si Jodi Sta. Maria ng: “i am jealous!”
Sagot naman ni Joshua kay Jodi: “meron next year sa manila ??”
Pinusuan din ang post niya ng iba pang netizens.
May mga nagmamaldita pang inurot ang aktor tungkol sa nakaraan nito kay Julia Barretto na minsang naging ka-date ng aktor sa isa sa mga concert ng pamosong rock band in the past.
Ito ang ilan sa kanilang mga komento.
“sold out na po sa philippine arena ??”
“ako rin im jealous sa closeness nyo. ikaw ba ga ay nakakainis. utas!!”
“Naiyak ako sa inggit ??”
“Happy for you; Josh”
“I remember you watch the first-time the coldplay.. Your so happy too!!And your ticket was lost but still you could watch. Enjoy bunso..Take care and God bless”
“Enjoy @garciajoshuae @emiliennevigier”
“Ngcoldplay din yan si papa josh with hulya @clryz_dolorical diba dti”
“Awww your first concert was Coldplay with Ju”
“pumunta sa Japan para manood ng concert ng coldplay”