Advertisers

Advertisers

VP SARA SUKO NA SA P625-M CONFI FUNDS!

0 34

Advertisers

INANUNSYO ni Vice President Sara Duterte na hindi na niya isusulong ang hiling ng kaniyang opisina at Department of Education (DepEd) na P500 milyon at P150 milyong confidential funds para sa taong 2024.

Sinabi ni Duterte na iniatras na ng Office of the Vice President (OVP) ang P500-million confidential fund request dahil ito ay magdudulot lamang ng division o pagkakahati-hati ng bansa.
“And as the Vice President, I swore an oath to keep the country peaceful and strong,” wika ni Duterte sa isang pahayag.

Kinumpirma rin ni Senate Committee on Finance chairman Senador Sonny Angara sa gitna ng deliberasyon sa plenary na hindi na ipipilit pa ng OVP ang paghingi ng confidential fund para sa susunod na taon matapos na tanungin ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III.



Iginiit pa ni Angara na ayon na rin sa OVP magpapanukala na lamang sila ng pondo para suportahan ang ligtas na pagpapatupad sa kanilang mga programa, aktibidad at mga proyekto na naglalayong iangat sa kahirapan at isulong ang pangkalahatang kapakanan ng bawat pamilyang Pilipino.

Sumunod nito, inihayag naman ni Duterte na ang DepEd, na kanyang pinamumunuan ay hindi na rin itutuloy ang kahilingan nito para sa P150 milyong confidential fund.
Nais ni Duterte na i-realign na lamang ang confidential fund sa National Learning Recovery Program ng DepEd.



“We are all parents who want to protect our children. Ang seguridad ng mga bata ay seguridad ng kinabukasan ng ating bayan. Nonetheless, DepEd will no longer pursue confidential funds,” sabi ni Duterte sa isang pahayag na binasa ni Sen. Pia Cayetano sa budget deliberation ng DepEd.

“We humbly request that the funds be realigned to the national learning recovery program because we do not expect good scores for the 2022 PISA results coming out this December,” aniya pa.



Samantala, wala pang isang oras mabilis din nakalusot sa plenaryo ng Senado ang P1.874 bilyong pondo ng OVP para sa susunod na taon. (Mylene Alfonso)