Advertisers

Advertisers

LA inamin, na- intimidate kay Maricel sa pelikula

0 5

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

KAHIT sinong baguhan ay feeling cloud nine kapag sa una niyang pelikula ay sina Maricel Soriano at Roderick Paulate ang kasama niya.
Ganyan si LA Santos na gaganap bilang special child na si Tim sa una niyang movie, ang In His Mother’s Eyes.

Inamin ni LA na umiyak siya sa sobrang kaligayahan dahil dito.
“Mangiyak-ngiyak ako sa tuwa,” umpisang bulalas ni LA.
“Siyempre, alam naman po nating lahat na hindi basta-basta na makatrabaho sina Ms. Maricel po saka si Tito Roderick.
“Kaya mas na-push ko pa ang sarili ko na galingan dahil ayoko talaga siyang i-take for granted.
“Kasi, mahirap po talaga na makasama sila. Kasi po siyempre, Diamond Star! Kaya po ano e, parang ginalingan ko talaga po.



“Saka nag-research po ako nang maayos, saka ginawa ko yung best ko na maging respectful po sa kanilang dalawa,” saad pa ni LA.
“Nadala po ako sa kanila,” bulalas naman ni LA sa tanong kung ano ang nadama niya sa unang eksena nila sa first shooting day nila nina Marya at Dick.
“Unang-una, kinabahan ako pero dahil sobrang galing nila, nawala lahat ng kaba ko. As in nadala na ako sa kanila, e.

“Kasi po, lahat ng eksena na ginawa namin, totoo po e, hindi na kami umaarte.
“Kaya nga dun ako sobrang thankful kay Ms. Maricel tsaka kay Tito Roderick dahil dinala din nila ako, e. Hindi nila ako pinabayaan.
“Saka sobrang giving sila as an actor and actress. Na kumbaga, kung sila ang kaeksena mo, gusto nila lumutang ka talaga po.

 

“Talagang ano, lahat ng nakakasama nila, gumagaling talaga.”

 



Kaya naman sa trailer pa lamang ng pelikula ay marami ang pumuri sa husay na ipinamalas ni LA, na hindi siya “nagpalaman’ o nagpasapaw sa aktingan sa dalawa niyang co-stars.
At maging sina Marya at Dick ay puring-puri si LA pagdating sa akting ng binata.
“Sobrang thankful po ako dun. Pero kaya po ako nasasabihan ng ganun, kasi nakikinig po ako sa kanila.
“Sila din po yung reason kung bakit ako gumaling, lalo na po si Direk FMR,” banggit ni LA sa direktor ng movie na si FM Reyes.

“Habang buhay po akong nagpapasalamat sa kanya dahil nilabas po niya talaga kung ano yung meron ako sa loob.

“Kasi iyon, hindi lang sa mahirap yung ginagawa ko pong role kundi it’s a very sensitive role po.
“Kaya dun po ako thankful, hindi nila ako pinabayaan, e. Parang lahat ng pagkakamali ko, lahat ng mga puwede ko pang i-improve, idinidiretso nila sa akin.
“Hindi nila ako binobola, e.”

Aminado rin si LA na na-intimidate siya kay Marya.

“Siyempre, hindi naman po mawawala yun.

“Na-intimidate and at the same time, sobrang na-overwhelm ako sa pagmamahal at suporta po.
“Kasi, si Inay Marya, ni isang beses, never niya akong pinabayaan. “Sinigurado niya na nakakakain ako.
“Araw-araw ng shoot namin, lagi niya akong kinukumusta, araw-araw ng shoot namin, lagi niya akong sinasamahan.

“Kaya naging mommy ko na rin talaga si Inay Marya.”
Ipalalabas na sa mga sinehan sa November 29, nasa cast din ng In His Mother’s Eyes sina Maila Gumila, Ogie Diaz, Ruby Ruiz, Elyson de Dios, Vivoree, Reign Parani, Rochelle Pangilinan, Inah Evans at Bong Gonzales.

Mula ito sa 7K Entertainment ni Ms. Flor Santos na butihing ina ni LA.