Advertisers
DINAKIP ang isang Korean national nang magsampa ng reklamong ‘rape’ ang isang Pinay laban dito sa Pasay City nitong Nov. 28.
Sinabi ni Pasay Police chief Colonel Marion Mayames, naghain ang 18-anyos na biktima ng reklamo laban sa sa Korean national na kinilala sa pangalang “Kevin”, 25 anyos.
Sa report, naganap ang insidente 4:45 ng hapon sa loob ng kuwarto ng Korean sa Barangay 15, Pasay City.
Sinabi ng biktima na bago ang insidente, inendorso siya ng kanyang kaibigan kay Kevin upang magtrabaho bilang casino dealer sa opisina ng suspek sa HK Plaza sa Macapagal Boulevard, Pasay City.
Ayon sa biktima, matapos ang interview, inimbitahan siya ng suspek sa isang hapunan at pinilit umano siyang sumama sa apartment nito.
Aniya, pagpasok nila sa kwarto muli siyang pinilit ng suspek na uminom ng alak na tinanggihan niya, subali’t kinaladkad umano siya sa kama at pwersahang hinubaran at pinagsamantalahan.
Inihayag ng biktima na matapos ang sexual assault, nakaalis siya sa lugar at agad nagsumbong sa Pasay Police Substation 1 sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Complex.