Advertisers
NASAWI ang isang barangay chairwoman sa Gerona, Tarlac at mister nito nang pagbabarilin ng riding in tandem nitong Huwebes ng umaga.
Nangyari ang insidente sa boundary ng Barangays Plastado at San Juan sa boundary ng Ramos at Gerona.
Kinilala ng Chief of Police, Major Marvin Mara, ang nmga biktima na sina Editha at Edgar Zarzuela, kapwa nasa hustong gulang ng Bgy. Plastado, Gerona.
Nabatid na pauwi na ang mag-asawa galing sa pagba-bike nang barilin ng malapitan ng dalawang lalaki gamit ang caliber .45 at nakasuot ng bonnet lulan ng motorsiklo na walang plaka.
Kapwa nagtamo ng tig-isang tama ng bala ng baril sa dibdib ang mag-asawa.
Agad namang naglunsad ng manhunt operation ang pulisya sa insidente. (Thony Arcenal)