Advertisers
Ni JOVI LLOZA
PAREHONG nasalang sa Q and A sina Julie Anne San Jose at Rita Daniela nang mag-guest sa FT ni Kuya Boy Abunda.
May isang tanong kasi si Kuya Boy kung kaya bang mabuhay ng dalawang Kapuso stars na walang lalake.
Si Rita ang unang sumagot at sabi nito na mayroon na siyang Uno or anak na lalake.
Sapat na marahil ito dahil single parent siya sa kanyang anak at kaya raw niyang mabuhay nang walang kelot nang mahiwalay sa non-showbiz na ama ng anak.
Sey pa ni Rita na wag itodo or ibigay lahat at magtira para sa sarili.
Magkasalungat naman sina Julie Anne at Rita ng sagot.
Mukhang di pa handa si Julie Anne sa tanong ni Kuya Boy dahil now pa lang ito na inlababo nang todo kay Rayver Cruz.
Pero nagbigay din ito ng pahayag na matutong mahalin muna ang sarili para makapagmahal ng iba.
***
TIYAK daw na babatuhin na naman ng intriga si Sharon Cuneta ng mga basher.
Kasabay kasi ng premiere ng film ni KC Concepcion ay ginawaran naman ng parangal ang Megastar ng Philippine Legacy Gala 2023 para sa kanyang musika.
Gusto raw talaga ni Sharon na humabol sa premiere night ni KC pero di kakayanin dahil nasa event daw si Megastar nang araw din ng premiere ng Asian Persuasion ni KC.
Happy naman si KC dahil ang tatay nito na si Gabby Concepcion ay nandun.
Sa kabila na super hectic ang sked nito dahil sa teyping ng project nila ni Marian Rivera ay nakahabol at nakasuporta ito sa anak.
Kaya nanan grabeng pasasalamat nito sa ama sa suporta at pagdalo nito sa Asian Persuasion
Kasabay pa nga ni KC na naglakad ang si Gabby sa red carpet.
Well, well, well… ‘Yun na!