Advertisers

Advertisers

Lucky Colors ng 2024

0 93

Advertisers

Ni NICK NANGIT

MAGPAPALIT ulit ang taon kaya ang laging tanong ay, ano ba ang lucky color sa 2024?

Sa totoo lang, hindi lang isa. At sa totoo lang ulit, walang suwerte o malas. Yan ay ang kalokohang ikinakalat lamang ng mga baklitang scriptwriters, para pagkakitaan ang mga utu-uto. Tayo ang gumagawa ng ating buhay. Nasa sa atin ang ating ikabubuti o ikasasama.



May mga taon na magaan o mabigat para sa atin. Kumbaga, minsan nararanasan natin na madali ang nagaganap sa buhay at halos lahat sumasang-ayon sa atin. Minsan naman, parang hirap na hirap tayo at laging may humahadlang. Yan ang ibig sabihin ng magaan o mabigat ang taon.

Ganun kasi talaga ang buhay. Hindi laging nasa itaas ka. Bumababa ka rin. Siklo kasi ang lahat ng nilikha. Kaya nga’t nagpapalit ang panahon mula tagsibol hanggang taglamig. Maging ang orasan ay umiikot. Sa tuwing sumisikat ang araw, darating ang paglubog nito.



Ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito?

Dahil umiikot ang mundo, dapat paghandaan ang kahit anumang haharapin natin. At dahil lahat ng nasa ating kapaligiran ay enerhiya, maging ang kulay ay enerhiya rin. Kung may mabigat mang mararanasan, dapat gawing magaan. Kung may magaan, dapat palaguin, pairalin, at paigtingin. At diyan papasok ang mga kulay.



Kaya’t HUWAG na kayong makinig kung kani-kanino at sa Pantone na laging naglalabas ng kani-kanilang mali-maling pagtataya o nakikitang kulay ng taon. Talagang hula ang ginagawa nila, kaya palpak!

Sa 2024, lima ang kulay na magpapagaan sa atin: Turquoise blue (o asul na kulay dagat); Emerald green (o berdeng gemstone at pinasikat ng Wizard of Oz); Vermillion red (o yung matingkad na pinaghalong pula at kahel); Mustard yellow (na mustasang dilaw o luyang dilaw); at Offwhite o Beige (na murang kayumanggi o buhanging dagat).

Ang mga kulay na ito ay hindi lamang akma sa Green Wood Dragon, kundi maging sa mga magagandang direksyon at pag-ikot ng mga planeta.

Dahil ang elemento ng kahoy ay iiral ayon sa Astrolohiyang Silangan, mahalagang sasabayan ito at huwag sasalungatin. Halimbawa, para lumago ang mga halaman, kinakailangan ng tubig at hangin. Diyan papasok ang asul at buhanging kulay dagat. Para naman maisulong ang kaperahan, dapat ay berde at dilaw. At sa pag-ibig, kailangan ang pulang pinaghalong kahel at ang dilaw.

Para malaman mo ang mga tamang kulay na isusuot ayon sa okasyon, kailangang tignan mo muna ang mga kulay na angkop sa iyong Astrolohiyang Silangan, Astrolohiyang Kanluran, at elementong nananaig base sa iyong natal chart sa petsa, oras, at lugar ng iyong kapanganakan. Saka ka mag mekus mekus.

Halimbawa ulit, kung negosyo ang pupuntahan mo. Kailangan ng berde at asul, basta’t Taurus Rabbit ka na maraming elemento ng Kalupaan sa natal chart. Huwag kang magsusuot ng pula, dilaw, o puti.

Alam ninyo ba kung bakit nanalo ang Nicaragua at natalo ang Philippines? Bukod sa kani-kanilang mga signs at katangian, naka blue at white evening gown si Sheynnis Palacios, samantalang nag red swimsuit si Michelle Dee. Tugmang tugma tuloy ang kulay ni Miss Universe, at sinabi ko na yan noon pa lamang nagsisimula ang 2023, pero HINDI tama ang pula sa Taon ng Kuneho.

Iba’t iba ang ating zodiac signs, animal signs, at elementong nananaig, dahil iba’t iba tayong nilalang. Kaya naman iba’t iba rin ang kombinasyon ng mga kulay natin. Walang iisang kulay sa taon ng Dragon, dahil kilala ito sa kasiglaan, pagkamalikhain, at luho. Para sa mga tamang kulay na angkop sa iyo, panoorin ang vlog sa Nickstradamus Nickstradamus channel ng YouTube.

Ngayon, kung ano mang zodiac signs ang madadalian o mahihirapan sa 2024, mula Enero hanggang Disyembre, ipapahayag din natin sa susunod na artikulo. Diyan ulit papasok ang mga retrogrades.

Pansinin ninyo, ang daming hiwalayan sa showbiz ngayong 2023, diba?! Kumusta na sina Ricci Rivero at Andrea Brillantes; Kathryn Bernardo at Daniel Padilla; at ang humabol pang sina Xian Lim at Kim Chiu?

Ang pinakamahalaga, walang Venus Rx sa 2024. Ibig sabihin, marami na namang iibig, mga Kabunganga Nicksters!

Bet ko yang Love Love Love na yan!

Nga pala, ipinapaalala natin sa publiko na hindi na konektado ang 89.5 The Playroom sa Bagtas Entertainment Productions, dahil nga sa hindi pagtupad ng Bagtas, na nasa pamumuno ng magkapatid na Vincent Obillo at Ruth Bagtas, ng kanilang obligasyong magbayad sa 89.5. Kumbaga, tila tumatakas umano ang Bagtas sa tungkulin nitong bayaran ang serbisyo ng 89.5 matapos ang concert na naganap sa Capas, Tarlac.

Balita pa natin ay nakikiusap daw na tatawaran ng Bagtas ang dapat sana’y kinita na ng 89.5, basta’t huwag lang daw idawit ang pangalan nila. E kaninong pangalan ang ipapanawagan dahil hindi nagbabayad ng utang? Hindi ba’t Bagtas yun?! Alangan namang mag imbento ang 89.5 ng pangalang sisingilin nito?

At saka, hindi naman tama na kung sino na nga ang may utang, sila pa ang magpapataw ng kondisyon? Saan ka nakakita ng ganun?? Magbayad na kasi kayo ng utang, Bagtas, saka ilalahad sa publiko ng 89.5 na nakapagbayad na kayo.

Pero, habang wala pa kayong bayad ay ipinapaalalahanan natin paulit-ulit ang pamunuan ng Bagtas na mahiya naman kayo. Tuparin ninyo ang obligasyon ninyo para tapos ang usapan.

Yun nga lang, hindi na makikipag-ugnayan pa sa Bagtas ang 89.5, para sa future projects. Kung mayroon mang kakalat pang balita na may kaugnayan ang 89.5 sa Bagtas, iyan ay pinabubulaanan na. Ayaw kasi ng 89.5 na masira pa ang magandang pangalan nito o madawit sa mga balasubas

Iyan na muna.

Mag Subscribe at iShare ang Nickstradamus Nickstradamus channel sa lahat. Libre lang yan. Marami pa kayong aral na mapupulot tungkol sa kababalaghan at batas.

Hanggang sa muli, Light Love and Life, Namaste!