SHAKE, RATTLE & ROLL EXTREME NANINDAK, MALAKAS SA FIRST DAY; MARION AUNOR MAY BAGONG SINGLE NA “NAHULOG”
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
LAST Wednesday, sa first day of showing pa lang ng “SHAKE RATTLE & ROLL EXTREME” ay pinanood na namin ito sa SM North Edsa Cinema 4.
At habang bumibili kami ng ticket para sa 10pm na last full show ng said classic trilogy horror movie ng Regal Entertainment ay chinika namin ang babaeng takilyera, at tinanong namin kung kumusta ang unang araw sa sinehan ng SRR EXTREME? Lunchtime to afternoon ay matao na raw. At mas dumami pa ang mga nanood sa 10pm screeening nito gaya ng binili naming ticket. At totoo nga kahit last screening na ay madami pa rin kami sa loob ng sinehan na dinig na dinig namin ang lakas ng sigawan sa unang episode na “GLITCH” topbilled by Ms. Iza Calzado with Miggs Cuaderno, Angel Guardian, Jewel Milag (child star) and Donna Cariaga na dinirek ni Master director Richard Somes.
Bukod sa tripleng katatakutan ay grabeng manindak dito si Iza and her co-stars na nakipagbuno sa halimaw na si Gary the Goat na karumal-dumal na pinatay ang yaya na si Donna, Angel at asong si Choppy. Kaya nga grupo-grupo ang mga pumapasok sa sinehan para may kasama sila sa mga super scarry scenes ng movie. Sobrang mahihindik at matatawa ka naman sa MUKHANG episode headed by Paul Salas, Jane Oineza, RK Bagatsing, AC Bonifacio, Elle Villanyeva, Francis Mata at mga popular social media influencers na sina Ninong Ry, Ian Gimena, Phi Palmos at Esnyr Ranollo. This is directed by Jerrold Tarog. At hitik na hitik naman sa action ang RAGE episode na nakipagbakbakan talaga ang mga bida ritong sina Jane de Leon at Paolo Gumabao sa mga taong infected ng virus, at para makaiwas sa infection nito. Joey De Guzman directs the episode. Kaya sa mga fanatic ng iconic na Pinoy horror film series na nagsimula noong 80’s ay sugod na sa sinehan at watch niyo agad ang SRR EXTREME at super sulit ang ibabayad niyong ticket na P370. Inspired pala sa latest offering nilang ito ang VP at COO ng Regal Entertainment, Incorporated na si Ma’am Beautiful Roselle kaya super sipag siya sa pagpo-promote ng SRR EXTREME. At dinaluhan niya ang dalawang Red Carpet Premiere nito sa SM Megamall Cinema at Market Market Cinema 1 na parehong naging matagumpay. Kasama nito ang gwapong anak na mala-Taiwanese actor.
***
ANG bongga naman ni Marion Aunor at back-up band nitong Le Band na kinabibilangan nina Elmer Blancafor (Musical Director and Keyboard, Guitar-Eldrine Teodoro, Drums-Arturo Pintor Jr. at Joel Diche sa Bass. Ang bandang ito ang madalas kasama ni Marion sa kanyang mga live performances partikular at Casino Filipino at pagkanta ng cover songs sa Youtube channel at FB Page ni Marion.
In all fairness, ang sarap nilang panoorin at gandang pakinggan at classy ang dating ni Marion. By the way today, December 1 ay released na ang bagong single ni Marion titled “NAHULOG.” At mapapanood na rin ang official Music Video nito. You can follow Marion in her social media accounts, Instagram: @marionaunor, Tiktok: @marionaunorofficial and Facebook at facebook.com/MarionAunorOfficial. Listen to Marion Aunor at digital music platforms: Spotify: https://spoti.fi/20p4Skg and Apple Music: https//music.apple.com/us/artist/marionaunor/592672874.