Advertisers

Advertisers

Daan-daang riders nag-rally sa unfair management ng Grab

0 23

Advertisers

Nagmartsa ang daan-daang food delivery riders sa Metro Manila laban sa hindi patas na pamamahala ng Grab sa Quezon City.

Suportado ng National Union of Food Delivery Riders,ipinrotesta ng grupo ang bagong fare matrix na ipinatupad ng Grab na lubhang nakaapekto at kabawasan sa kakarampot na kinikita ng mga riders.



Hiniling din ng mga riders na ibalik ng Grab ang mga hindi makatarungang nasuspinde o natanggap dahil sa pagdalo sa mga rally upang ipahayag ang kanilng mga hinaing.

Ayon sa mga riders, ang bagong fare rate per order ng Grab ay ibinaba sa P35 mula sa dating P45 habang ang bawat kilometrong kompensasyon na P10 ay ibinaba sa P7 lamang.



Ang usapin ay nakarating na sa aternsyon ng gobyerno partikular ang Kongreso at Senado.

Sa pahayag ni Sen.Risa Hontiveros kamakailan silang suporta sa mgariders ay sinabing —  “If the goal of this new fare matrix is to ease the burden of customers, it should not come at the expense of the platform’s riders.”



Ang isyu ng illegal termination ng Grab management sa mga rider ay pinag-uuspaan ngayong ng National Relations Commission matapos humingi ng tulong sa NLRC ang grupo ng riders.