Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NOONG December 3 ay bininyagan na sa Taytay Methodist Church ang second child nina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano, ang cute na cute na si Paulina Celestine. Ang reception after ng binyag ay ginawa sa Shangri-La, Bonifacio Global City.
Siyempre, present sa binyag ang mga magulang ni Toni, ang kanyang butihing ina na si mommy Pinty at ang gwapo at matikas niyang ama na si daddy Bonoy. Hindi rin nawala ang talented na nakababatang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga, kasama ang gwapong husband na si Mikee Morada.
Nag-post si Alex ng photos ng binyag sa kanyang IG account at ang caption niya rito ay, “Welcome to the Christian world Polly Patachi!!! Huwag ka ng nasa-sad dyan pagbuhat kita dahil magkahulma tayo.”
Sa Instagram story ng mahusay na TV host-actress-singer na si Toni, makikitang isinasayaw ng kanyang asawang si Direk Paul ang bagong binyag na anak nila.
Sa isang fan account, ibinahagi rito ang larawan ng binyag ni Polly. Umani naman ng heart reactions at pagbati ang nasabing post.
“Welcome to the Christian world, God blessed and to all of you. Looks like a very lovely party lots of love,” sabi ng isang netizen.
“Countless blessings on your Christening day, baby Polly,” dagdag pa ng isa.
Si Polly ay ipinanganak noong Agosto 11, 2023 sa St. Luke’s Hospital in Bonifacio Global City, Taguig. Ang kanyang kuya, ang panganay na anak nina Toni at Direk Paul na si Severiano Elliott “Seve” Gonzaga Soriano ay 7 years old na. At ang gwapo nito, huh! Pwedeng-pwedeng maging artista kung gugustuhin nito na sundan ang yapak ng kanyang mommy Toni.
***
NAGTATRABAHO ngayon ang dating child actor na si Jiro Manio sa isang rehabilitation center sa Bataan, kung saan doon siya na-rehab nu’ng nalulong siya sa drugs.
Mataba ngayon si Jiro. Pero sabi ng kanyang daddy Andy ay nagpapapayat na ito dahil gusto nitong balikan ang showbiz. Nami-miss na raw ni Jiro ang pag-arte.
Well, kung babalik sa showbiz si Jiro, naniniwala kami na may lugar pa siya rito. Mahusay naman kasi siyang aktor. Ang dapat lang ay magkaroon siya ng manager na may malaking koneksyon sa showbiz.
Ang dating manager ni Jiro ay ang namayapang si Direk Maryo delos Reyes.