Advertisers
Ni JOVI LLOZA
HINDI man diretso na tinumbok pero sa mga maritess ay tila may pinatutungkulan ang patutsada at patama ni Annabelle Rama, ina ng aktor na si Richard Gutierrez.
Kung si Annabelle ay ayaw na magkahiwalay ang mga magulang ng kanyang mga apo dahil mahal daw nito ang kanyang mga apo.
Sa Tiktok ay trending ang interbyu kay Annabele na kung saan ay ayaw nito magsalita sa rumor na hiwalayan ng mag asawang Sarah Lahbati at Richard.
Gusto pa nga ni Annabelle na sa anak manggaling ang tsikang hiwalayan.
Pero patotoo ni Annabelle na sa kanya nakatira ngayon si Richard at naghahakot na ito ng gamit.
Dagdag pa nito na baka sa Japan sila lahat mag-Pasko at New Year kasama ang buong pamilya maliban sa isa.
Naisip naman na si Sarah ang tinutukoy nito.
May patama at parunggit pa ito na si Richard daw ay trabaho nang trabaho at ‘yung isa ay waldas nang waldas na naisip ng maritess na baka ito nga ang naging dahilan ng split up ng dalawa.
Sa IG naman ni Sarah ay ibinahagi nito ang bagong hairdo na kung saan ay may serye na itong gagawin sa TV5, ang remake ng Lumuhod Ka Sa Lupa ni Rudy Fernandez.
Sey pa ng netizen na nagbalik work daw si Sarah para di nasisilip ng pakialamerang biyenan.
Pinagdiinan pa nito na asawa siya at ina ng mga anak nila ni Richard.
***
Vice pumalag sa akusasyong palaasa ang ermat
IMBUDO si Vice Ganda sa netizen na nag-akusa dna ang kanyang nanay daw ay palaasa sa una.
Ang nanay naman daw ni Vice na si Rosario ay nagpakabayani sa ibang bansa para itaguyod silang magkakapatid dito sa Pinas.
Patotoo pa ni Vice na nagsikap ang kanyang nanay sa ibang bansa para sa kanyang mga anak.
Pag-amin pa ni Vice na never daw umasa ang kanyang nanay sa mga anak nito.
Katunayan pa nga raw ay lagi silang pinadadalhan ng pera ng kanyang mudra.
Kaya nainis si Vice at niresbakan ang netizen na nag-aakusa sa kanyang nanay.
Well, well, well… ‘Yun na!