Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
ISA lang ang wish ni Matteo Guidicelli sa darating na Pasko at Bagong Taon. ‘Yun ay ang magka-baby na sila ni Sarah Geronimo.
Gustung-gusto na talaga ng aktor na magkaroon na sila ng panganay ni Sarah. Feeling niya handang-handa na silang bumuo ng pamilya ng singer-actress.
Noong 2020 pa ikinasal sina Sarah at Matteo sa isang private ceremony sa Taguig na wala roon ang parents ni Sarah. Inilihim niya kasi sa mga ito ang pagpapakasal nia ni Matteo.
Nanggaling noon sa taping ng The Voice si Sarah, at after niya roon ay dumiretso na siya sa kasal nila ni Matteo.
Sa loob na ng tatlong taong pagsasama ay hindi pa nga sila binibiyayaan ng supling. Kaya naman gustung-gusto na talagang magka-anak ni Matteo. Pero nag-aabang pa rin sila ni Sarah sa tamang panahon kung kailan sila bibiyayaan ng Nasa Itaas ng baby.
Sabi ni Matteo,“For 2024 and in the future, sana magka-baby na kami. In God’s time,” sabi ng aktor. At the end of the day, my priority is my wife and family so I think that’s part of the plan. But again you can’t plan too hard because it’s God that uses this blessing.
“So we just hope for the best and do what we have to do. Whatever comes, whatever happens, happens. Let’s just pray for that,” aniya pa.
Anyway, super excited na rin si Matteo sa nalalapit na pagpapalabas ng launching movie niya na Penduko mula sa Viva Films na mula sa direksyon ni Paul Laxamana. Ang naturang pelikula ay isa sa entry sa MMFF 2023.
Inamin ni Matteo na buwis-buhay ang mga ginawa niyang eksena sa movie dahil sa dami ng mga fight scenes at delikadong stunts na ginawa niya rito. Pero worth it naman daw lahat ng pagod at sakripisyo niya at ng lahat ng mga kasamahan niya sa pelikula.
***
OUT na sa Spotify at sa lahat ng streaming platforms ang bagong single ng mahusay na singer na si Marion Aunor titled Nahulog, mula sa Wild Dream Records. Out na rin ang music video ng Nahulog, na ang kapareha rito ni Marion ay si Marco Gallo.
Napakinggan na namin ang Nahulog. In fairness, ang ganda ng song, huh! Tungkol ito sa isang babae na nahulog ang loob sa isang lalaki, na pinili niyang sabihin ang nararamdaman niya rito, kesa pagsisihan na hindi niya nasabi ang kanyang feelings.
Nangyayari naman sa totoong buhay na ang isang babae ay nagkakagusto o nai-inlove sa isang lalaki, ‘di ba? Ang magkaibigan ngang lalaki at babae, na sa katagalan ng kanilang pagkakaibigan ay nahuhulog ang loob ng babae or vice versa.
Narito ang lyrics ng Nahulog.
Ok lang ba kung ikaw ang nais makasama sa habangbuhay
Ikaw na sana ang nais ko laging makasama. Hawak iyong kamay
Sa hirap man o ginhawa. Kalungkutan o ligaya
Ang puso ko’y sa ’yo. Ako’y iyong-iyo
Ayoko sanang aminin. Ayoko sanang sabihin ngunit nahulog na ako.
Nahulog na sa ’yo. At ‘di na rin napigilan. Ayoko lang pagsisihang
‘Di ipagtapat sa ‘yong nahulog na ako sa ‘yo, ohh hoh…
Dati akala ko wala nang makakasama sa aking buhay
Ngunit eto ka handang tanggapin ako buong-buo
Kahit pasaway. Sa hirap man o ginhawa Kalungkutan o ligaya
Ang puso ko’y sa ’yo. Ako’y iyong-iyo
Ayoko sanang aminin. Ayoko sanang sabihin
Ngunit nahulog na ako.Nahulog na sa ’yo
At ‘di na rin napigilan. Ayoko lang pagsisihang ‘Di ipagtapat sa ‘yong
Nahulog na ako sa ‘yo, ohh hoh…Ayoko sanang aminin. Ayoko sana sabihin.
Ngunit nahulog na ako Nahulog na sa ’yo
At ‘di na rin napigilan. Ayoko lang pagsisihang ‘Di ipagtapat sa ‘yong
Nahulog na ako sa ‘yo, ohh hoh…