Advertisers

Advertisers

KathNiel gimik lang ba ang hiwalayan?

0 57

Advertisers

Ni WENDELL ALVAREZ

SA ipinakita nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa backstage ng Araneta Coliseum kung saan ginanap ang Christmas special ng ABS-CBN last Dec. 13, kitang-kita ang paghaharap nilang dalawa at very sweet na nag-uusap.

Marami tuloy ang nagsasabi na tila isang malaking gimik ang hiwalayan isyu ng dalawa na pinag-usapan sa apat na sulok ng ShowbizWorld, maski sa ibang bansa ay sila ang topic.



Kaw kapatid na Blessie, naniniwala ka bang hiwalay talaga ang dalawa, kasi nga sabay din sila pumunta sa Philippine Arena para tumanggap ng Asia Awards.

Ayon sa tsika, sabay na dumating ang KathNiel sakay ng isang magarang  kotse.



Kaya tuloy marami ang nagsasabing tila pinaglalaruan nila ang taong bayan at pinaniwalang break na nga sila sa 11 years nilang pagsasama as love team at magkarelasyon.

Kung totoo ang naririnig namin na isang malaking gimik lang ito, sinayang ni Kathryn at nagpadala siya sa mga sulsol na sakyan ang kunwaring split up nilang dalawa.



Halos lahat pa naman nakisimpatiya sa anak ni Mommy Min, kitang-kita ang biglang pagtaas ng kanyang followers sa mga social media acct. niya.

May mga nagsasabi pa na nalagpasan na raw ni Kath ang followers ni Anne Curtis sa socmed.

So, pagganito sa susunod na gagawin nila ang break up ek…ek na yan tiyak ako wala nang maniniwala sa kanila.

Sinabi pa nga ng friend ko sa Singapore na si Dims Ignacio at nagtatanong kung totoo ba ang hiwalayan nina Kim-Xian, Mavy-Kylene, Miles-Elija, at iba pang magkakarelasyon sa showbiz

Ang pinaniniwalaan niya lang daw ay ang hiwalayan isyu nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, kasi nga nagsalita na si tita Annabelle Rama, na talagang hindi siya magsasalita kung wala itong katotohanan.

Well, antayin na lang natin ang mga susunod na kabanata kasi nga raw involved dito ang ABS-CBN sa mga ganitong isyu para pag-usapan ang kanilang mga contract star na talagang sila pa rin ang magaling mag-build up ng artista. #AbawAh!!!