Advertisers

Advertisers

AVIATION COMPANY KINUHA NG SBMA

0 65

Advertisers

Sa pagkakautang nang halos P20 milyon ng Aviation Hub Asia, Inc na isa sa mga aviation services company sa loob ng teritoryo ng Freeport ay binawi na ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang naturang kompanya sa pagkabigong matupad ang lease agreement.

Inihayag ni SBMA Chairman at Administrator Jonathan D. Tan na ang SBMA Board of Directors ay inaprobahan ang resolution No. 23-10-9296 para sa pagpapatigil sa lease agreement ng Aviation Hub Asia nitong October 3, 2023.

Ang pagpapalabas ng Board resolution ay bunsod sa kabiguang bayaran ang lease rentals, comply with development commitments, at sa non-submission ng Performance Bond.



May outstanding obligation ang kompanya sa halagang P19,122,335.97 at US$106.02 para sa utang sa upa, penalty sa performance bond at iba pa.

Ang nasabing company ay patuloy sa bigong maisakatuparan ang development commitments at non-submission of Performance Bond sa loob ng panahon na nakasaad sa Notice of Default with Demand to Pay na may petsang September 30, 2023. Tinapos na ng SBMA at kinansela ang company’s lease agreement at kinumpiska ang kanilang properties



Kabilang sa properties ng company leased ay ang bahagi ng hangar area, office space, shed at open space na nasa Building 8066, Subic Bay International Airport (SBIA) Southwest Apron, Subic Bay Freeport Zone.

Inihayag ni Tan na ang hindi naisagawang development commitments ng kompanya ay kinabibilangan ng renovation ng 5 maintenance, repair at overhaul hangars at offices, storeroom at pilot briefing rooms, 2 karagdagang bagong aircraft hangars na aayusin sa loob ng 3-taon mula sa signing ng lease agreement noong March 19, 2019.



Nagbigay ang SBMA ng notice of re-entry, repossession at takeover sa lugar na may pag-uutos sa pagbabayad hanggang October 17, 2023 na na-received noong November 3, 2023. Ang notice ay nagkabisa nitong Lunes makaraan ang 30-days mula sa pagkakatanggap ng abiso.

Ang aksiyong ito ay alinsunod sa determinasyon ng Freeport Chairman na maalis ang mga erring locator na nagsasagawa ng landbanking o hindi naisasakatuparan ang kanilang development commitment.

Bunsod nito ay nananalig si Tan na may mga bago at honest investors ang dadagsa para maging bahagi ng SBMA at nakaumang na rin ang P5.5 bilyon joint venture sa pagitan ng ahensiya at ng Harbour Centre Pot Terminal In. (HCPTI).

“Our goal at SBMA is in line with HCPTI’s goal of creating more employment opportunities, generate new income, boost the tourism, attract more foreign and local investments, and expand the trading business in Subic,” pagpupunto ni Tan.