Advertisers

Advertisers

Paslit brutal na pinatay ng ‘pastor’ dahil sa lansones

0 45

Advertisers

PINATAY ang 7-anyos na batang babae ng nagpapakilalang pastor dahil lamang sa puno ng lansones sa bayan ng Digkilaan, Iligan city.

Kinilala ang salarin na si Alcomendeda Colaljo, habang hawak ng pulisya ang menor de edad na lalaki na umamin kasabwat ni Colaljo sa krimen.

Hustisya ang sigaw ng mga magulang ng biktimang si Marian Superales, grade 1 pupil ng San benito S. Ong Memorial School at residente ng Purok 7 Malaigang, Bgy. Digkilaan.



Sa report ng Digkilaan Police Station 6, umamin sa kanila ang menor de edad na lalaki na kasabwat siya sa pagpatay kay Superales nang pagtulungan nilang pagtatagain, ginilitan at binagsakan ng malaking bato sa mukha.

Sinabi ng menor de edad na salarin na itinago sa pangalan Totoy, nagalit si Colaljo sa biktima dahil pinakialaman nito ang puno ng lansones.



Ayon sa pamilya ng biktima walang kapatawaran ang ginawa ng mga salarin sa bata.

Huling namataan ang salarin sa Bukidnon at nagpapakilala na isa itong pastor.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">