Advertisers

Advertisers

PAGPANAW NI RONALDO VALDEZ INIIMBESTIGAHAN NG PULISYA!

0 80

Advertisers

MASUSING iniimbestigahan ng Quezon City Police District (QCPD) ang sanhi ng pagpanaw ng beteranong aktor na si Ronaldo Valdez, 76 anyos, Linggo ng hapon.

Sa kasalukuyan, wala pang inilabas na mga detalye ang pamunuan ng QCPD sa naging sanhi ng pagpanaw ng ama ng singer-comedian na si Janno Gibbs at actress na si Melissa.

“As of today, QCPD is currently conducting a thorough investigation to ascertain the cause of the death of Mr. James Gibbs alyas Ronaldo Valdez,” sabi ng QCPD.



Sabi naman ni QCPD Director, Brigadier General Red Maranan, may lab result pa silang hinihintay.

“May hinintay pang result ng lab exam from SOCO, before we can conclude,” ani Maranan.



Dagdag pa ng QCPD: “We understand the importance of this matter; hence, we are working diligently to gather all relevant facts and evidence.”

Tiniyak ng QCPD sa publiko na ang anumang natuklasan mula sa imbestigasyon, opisyal na ilalabas dahil pinayuhan daw silang huwag gumawa ng konklusyon.



Sinabi rin nila na igalang ang privacy ng pamilya ng aktor.

Nauna namang hiniling ng pamilya ng aktor sa pamamagitan ng anak nitong si Janno na respetuhin ng publiko ang kanilang pagdadalamhati.

“It is with great sorrow that I confirm my father’s passing. The family would like to request that you respect our privacy in our grieving moment. Your prayers and condolences are much appreciated,” post ni Janno.