Advertisers

Advertisers

Saludo kay caging icon SKYWALKER’, ‘Samboy’ LIM

0 5

Advertisers

HOLIDAY Season breaking news ang mga saludo kay caging icon at nag-iisang may hawak ng titulong ‘SKYWALKER’, AVELINO ‘Samboy’ LIM na ikinalungkot ng Sports Community sa pagkumpirma ng pamilya na namaalam bago magpasko at nagpalamlam sa nakagawiang saya ng Basketball World sa taunang selebrasyon.

Nagsimulang gumawa ng pangalan si SAMBOY bilang 6”1’ standout ng SAN JUAN DE LETRAN KNIGHTS na dinala niya sa three (3) straight championships (1982-1984) ng NATIONAL COLLEGIATE ATLETIC ASSOCIATION (NCAA) . Sa ligang amateur PHILIPPINE AMATEUR BASKETBALL LEAGUE (PABL), naglaro siya sa LHUILLER JEWELERS na inihatid niya sa 1st Championship bago pumasok sa top professional league PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA) taong 1986 at humakot ng pansin sa kaibang istilo ng laro, mataas na lundag at ikot pailanlang sabay dunk kaya binansagang ‘SKYWALKER”, kinilalang PBA Hall of Famer at nasa PBA 25 Greats.

Naging asset ng SAN MIGUEL BEERMEN si SAMBOY na kanyang forever team kung saan nakakopo sila ng nine (9) championships kabilang ang Grandslam title (1989). Sa galing at husay, natural na naging target ng balyahan at maagang nagretiro dahil sa injuries noong 1997. Taong 2014 sa isang tune-up game, inatake sa puso si SAMBOY at na-comatose for a few months pero January 2015, naka-recover. Ayon sa kanyang wifey na si UP Dean/Atty. DARLENE MARIE BERBERABE , nine (9) years nilang inalagaan si SAMBOY at pilit pinasaya kasama ang only daughter na si CHRISTINE JAMIE, isang karate gold medalist sa SEA Games.



Yan din ang nagbigay-buhay sa PBA, isa sa mga icon na nagpasikat sa PBA. Malaking bagay, pag naglaro yan talagang all-out Nakasama ko yan, laging nagpapakita ng physique niya, nagmamagic yan, masayang kasama,” komento ni PBA Commissioner WILLIE MARCIAL.

Para kay veteran analyst ANDY HAO, iba ang attitude ni SAMBOY sa laro..”because he wants to please the fans, SAMBOY- walang yabang sa katawan yan. Yan ang hinahangaan ng mga fans”.



“The legacy of SAMBOY as a Sports icon will forever be remembered and his spirit will continue to inspire us all.’ ani boxing icon/basketball patron at former Senator MANNY PACQUIAO.

Malaki rin ang impluwensiya ni SAMBOY sa younger players tulad ni SMB star TERRENCE ROMEO, “ Everytime na naglalaro si SAMBOY, parang sinasabi na laging 120-200 percent yung ibinibigay sa loob ng court pag naglalaro siya, all- out talaga’. Saludo sa legendary caging icon at nag-iisang ‘SKYWALKER’ ng Philippine Basketball.!



DECEMBER CHEERS
HAPPY BIRTHDAY to our Lord JESUS, the holy infant and saviour of the world! Many happy returns of the day to CHRISTIAN DENVER S. ALEJO (December 25) of Pugad Lawin School Faculty, QC, DIVINA LAGASCA of Dubai, CANDIDO JATULAN“CJ” ABOGADO JR. of Five Star Bus Security and Mommy JOY PENAFIEL of Taytay, Rizal. Best blessings and more birthdays to come.HAPPY READING!