Advertisers

Advertisers

DoJ pasok sa P6.7-billion shabu sa Tondo

0 17

Advertisers

INANUNSYO ng Department of Justice (DoJ) na bumuo ito ng panel of prosecutors na magsasagawa ng preliminary investigation sa bagong reklamo hinggil sa anti-illegal drugs operation sa Tondo, Manila last year kungsaan nasamsam ang 990 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 billion.

Ang naturang iligal na droga ay nasamsam sa isang lending office na pag-aari ng isang pulis na nakatalaga sa PNP Drug Enforcement Group, si Master Sergeant Rodolfo Mayo.

Matatandaan na pagkatapos ng operasyon, nabunyag ang karagdagang 42 kilos ng shabu, nagkakahalaga ng P285 million, na kinupit mula sa operasyon sa Tondo, sa posession ng dalawang pulis, base sa kuha ng CCTV.



Sinampahan ng Philippine National Police (PNP) ng reklamo ang 50 pulis ng paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022) sa Office of the Ombudsman.

Inakusahan din sila ng falsification, perjury, false testimony, malversation of public property, at obstruction of justice.



Kamakailan, nagsagawa ng case conference ang PNP at DoJ hinggil sa bagong developments, partikular ang pagsampa ng bagong reklamo hinggil sa mga anomalya at iregularidad noong operasyon.

Nagtalaga ang DoJ ng panel ng mga batikang prosecutor para busisiin ang mga ebidensiya at mga kailangang elemento para sa pagsasampa ng mga karagdagang reklamo.



Hindi binanggit ng DoJ kung anong mga karagdagang kaso ang kanilang isasampa at kung sino sino pa ang mga kakasuhan.

Noong Hulyo, inanunsyo ni DILG Secretary Benhur Abalos, Jr. na kabilangs sa 50 pulis na kinasuhan sina Lt. General Benjamin Santos, Jr. at Brigadier Gen. Narciso Domingo.

Ito ang aabangan natin sa Bagong Taon 2024.

***

Bumanat na naman ang dating spokesman ni dating Pangulo Rodrigo Duterte na si Atty. Harry Roque.

Sa kanyang kolum sa isang pahayagan, sinabi ni Roque na kaya marahil nagbago ang isip ni Pangulo Bongbong Marcos na pag-iisipan nito ang pagpayag na makapasok ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas, para mag-imbestiga sa mga naging biktima ng war on drugs ng nakaraang administrasyon, ay dahil sa “rumors” ng destabilization plot laban sa Marcos govt.

Umugong ang destabilization plot nang mismong si AFP Chief Romeo Brawner ang nagbunyag sa isang okasyon na may nagpulong na mga opisyal at dating opisyal ng militar na hindi nasisiyahan sa gobyernong Marcos Jr., na kinalaunan ay sinabi niyang na-misinterpret lang siya ng media.

Actually, nagmula ang mga usap-usapan sa “kudeta” mismo sa mga pasaring ni Duterte.

Anyway, hindi na dapat pinapatulan pa ang mga lumalabas sa bibig ng dating pangulo. Wala na siya sa poder, walang power para kontrolin ang AFP at PNP. Si PBBM na ang Commander in Chief. Period!