Advertisers

Advertisers

Estafa vs 2 utol ng filmmaker, 1 pa ibinasura ng korte

0 8

Advertisers

IBNASURA ng korte ang kasong estafa laban sa dalawang kapatid ng isang filmmaker at sa isa pa nilang kasama kaugnay ng alegasyong panghihingi ng pera sa isang contractor, kapalit ng pangakong kontrata upang maging supplier sa reclamation project sa Pasay City.

Sa 8-pahinang kautusan ni Pasay City Regional Trial Court Branch 115 Judge Edilwasif Baddiri nitong Disyembre 11, walang sapat na ebidensya ang prosecution panel upang idiin sa kaso ang magkapatid na Dina Joson Castro at Ma. Luisa Barlan, at Helen Remolador.

Kapatid ng filmmaker na si Emille Joson sina Castro at Barlan.



Sa pagkakabasura ng kaso, inatasan ng korte ang National Bureau of Investigation (NBI) na palayain ang tatlo sa kanilang kustodiya.

Sina Castro, Barlan at Remolador kasama nina Ryan Lester Dino at Carlo Africa Maderazo ay inaresto ng NBI sa Diosdado Macapagal Blvd., Pasay City noong Nobyembre 20, 2023 dahil sa pagsasabwatan ng mga ito sa paghingi ng pera sa complainant na si Rodolfo Rimando Ambag, Jr.



Iniutos naman ng hukuman na ituloy ang paglilitis laban kina Dino at Maderazo matapos makitaan ng probable cause ang kanilang kaso.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">