Advertisers

Advertisers

Lalaki nang-catcall, patay sa bugbog

0 13

Advertisers

TODAS sa bugbog ang isang lalaki nang mag-catcall sa Sampaloc, Manila nitong Lunes, Disyembre 25.

Sa CCTV footage, makikita ang lalaking si Molan Villamor na binugbog ng grupo ng mga lalaki sa Galicia Street.

Sinubukan pang atakihin ng mga salarin ang isa pang lalaki na sumubok na pahintuin ang gulo.

Isinugod si Villamor sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

Sa imbestigasyon, lumitaw na nagsimula ang gulo habang nag-iinuman ang grupo, kungsaan kabilang ang biktima, at nang-catcall ng isang dumaraang babae.

“Tinawag siya ng isa sa mga nag-iinuman na yun, kungsaan medyo hindi naging maganda ang dating sa babae, kaya nagsumbong siya sa kaniyang mga magulang,” ayon kay Manila Police District Homicide Chief, Captain Dennis Turla.

Kinompronta ng kaanak ng babae ang grupo ng biktima, at makalipas ang ilang sandali sinubukang lumapit ng grupo ng biktima upang humingi ng tawad.

Sa kabila nito, inatake parin sila at doon na nagsimula ang gulo.

Itinanggi naman ng pamilya ng biktima ang alegasyon ng mga salarin.(Jocelyn Domenden)