Advertisers
LUSOT na sa Maharlika Investment Corp. (MIC) ang P125 billion capitalization scheme para sa Maharlika Investment Fund (MIF).
Nangyari ito matapos sumalang sa kauna-unahang board meeting ang mga opisyal o board members ng MIC kung saan pangunahing tinalakay ang tuluyang pagpapatakbo o full-operation ng MIF.
Kasabay nito, tiniyak naman ni Finance Secretary at MIC Board Ex Officio Chairman Benjamin Diokno ang pinakamataas na standards ng accountability, fiscal responsibility, at good governance sa kauna-unahang sovereign wealth fund ng bansa.
Maging si MIC President at Chief Executive Officer (CEO) Rafael Consing Jr. ay nangakong hindi lamang sila magiging tagapangalaga ng yaman ng bansa kundi magiging mga arkitekto rin sila ng paglago at kasaganahan para sa mga mamamayang Pilipino.
Kung matatandaan, nakapag-remit na ang Landbank at Development Bank of the Philippines (DBP) ng kabuuang P75 bilyon na capital investment sa MIF. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)