Advertisers
IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Enero 9, 2024 (Martes) bilang special non-working day sa Lungsod ng Maynila.
Ito’y upang bigyang daan ang pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno, na dinudumog ng milyon milyong deboto.
Batay sa Proclamation No. 434 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Huwebes, Enero 4, sinabi ng Pangulo na sa pamamagitan ng deklarasyon ay mabibigyan ng pagka-kataon ang mga taga-Maynila na makiisa sa okasyon at ma-enjoy ang selebrasyon.
Ang Itim na Nazareno, na kilala rin bilang Poong Hesus Nazareno o Nuestro Padre Jesus Nazareno sa Espanyol, ay ang ga-taong imahe ni Hesus na may pasan-pasan na krus na nakalagak sa Simbahan ng Quiapo mula pa 1787. (Gilbert Perdez)