Advertisers

Advertisers

17K GRADE 11 STUDENTS WALA NANG AYUDA – DEPED

0 10

Advertisers

MAHIGIT sa 17,000 Grade 11 students mula sa iba’t ibang state at local universities and colleges ang pinangangambahang maaapektuhan ng pagpapatigil sa senior high school progam sa susunod na taon.

Ito ay matapos ipinag-utos ng Commission on Higher Education (CHED) na pag-aalis na SHS program sa ilang paaralan sa susunod na school year.

Sa datos na inilabas ng Department of Education, mula sa kabuuang 2.1 million Grade 11 students ang enrolled ngayong school, kungsaan mula rito ay nasa 17,751 Grade 11 students ang naka-enrol naman sa state universities and colleges, at local universities and colleges.



Paliwanag ni DepEd Usec. Michael Poa, mayroong dalawang opsyon ang mga maaapektuhan ng naturang kautusan tulad na lamang ng pag-e-enroll sa public o private schools kungsaan maaari silang makapag-avail ng kanilang mga voucher program.

Samantala, nilinaw ni Poa na hindi maaapektuhan ang mga benepisyaryo ng voucher programs sa paghinto ng SHS program sapagkat walang incoming Grade 11 students ang tinanggap sa SUCs at LUCs bago pa man magsimula ang school year.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">