Advertisers
INAKUSAHAN ng umaming Davao Death Squad (DDS) hitman, retired police Sgt. Arturo Lascañas, si dating Presidente Rodrigo Duterte ng armas ng panggagahasa sa mga pinaghihinalaang babaeng drug addict.
Sa panayam ng VERA Files, sinabi ni Lascañas na ang suspected drug users ay dinadala sa Laud Quarry sa Davao City para sa imbestigasyon. Pero, sa halip ay iniutos ni Duterte sa kanyang mga tao na gahasain ang mga ito.
“I witnessed it. Duterte instructed us to rape these suspected female drug users. But also we were required to be an audience during the investigation with rape,” sabi niya sa panayam ni Antonio Montalvan II ng VERA Files.
Ang VERA Files ay katuwang ng Meta sa pagtanggal ng mga fake news sa Facebook.
Ayon kay Lascañas, ang kadalasan ang inaatasan para gahasain ang mga babaeng adik ay civilian assets mula sa Agdao rebel returnees.
“Superman was there. We were the spectators because we were required by Superman to witness. Then after the rape, kill the victim,” sabi ni Lascañas.
Ang tinatawag na “Superman”, ayon kay Lascanas, ay si Duterte.
Si Duterte ay naging alkalde ng Davao City ng higit dalawang dekada simula nang italaga ni yumaong Presidente Cory Aquino, kungsaan sa kan-yang pamumuno ay bumaba ang krimen sa lungsod.
Pero nasa ilalim din ni Duterte nangyari ang vigilante-style killings sa lungsod, na gawa umano ng Davao Death Squad. – Mula sa Abogado PH