Advertisers

Advertisers

Rozz Daniels ratsada ang ganap sa Holiday season, magiging busy sa 2024

0 57

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

BAGO matapos ang taong 2023 ay naging super busy ang Outstanding Pop Rock Diva na si Rozz Daniels.

Kabi-kabila ang dinaluhan niyang events at singing engagements sa Chicago gayundin sa kanyang hometown sa Wisconsin, USA.
Sa Chicago last Dec. 4 ay isa si Rozz sa kumanta sa Gawad Kalinga Holiday concert. Inawit ng singer ang Pasko na Sinta Ko at Please Come Home for Christmas.
Samantala, sa Wisconsin din, nagtanghal si Rozz sa New Year’s Eve party last Dec. 31 na ginanap sa Embassy Suites Hotel Brookfield. Limang kanta ang hinandog ng Pop Rock Diva dahil na rin sa request ng audience.



Patok din ang dance number ni Rozz kasama ang Bakalz Dancers of Wisconsin na sina Rose Padayhag-Paul, Ann Maghinay Mejias, Angie Catane Mendoza, Mela Abad Wyczawski at Criselda Ladron.
Naging miyembro rin siya ng choir ng Simbang Gabi sa Filipino Catholic Ministry of Wisconsin mula Dec. 17 hanggang 23.
Samantala, inappoint naman si Rozz bilang board member ngayong 2024 sa Filipino-American Association of Wisconsin (FAAWIS).

Ang bagong FAAWIS president ay si Dra. Nela Mendoza-Lemes.
Ngayong taon din isasagawa ni Rozz ang pagre-record ng bagong version ng Ibang-Iba Ka Na na pinasikat ni Renz Verano at nilikha nina Evie Quintua at late Efren Jumaquio.



Sa Mayo, 2024 rin balak magdaos ng birthday show ni Rozz dito sa bansa kasama ang mga malalapit sa kanya. Ipo-promote na rin niya ang kanyang single na Ibang-Iba Ka Na.
Aabangan natin lahat ‘yan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">