Advertisers

Advertisers

PULIS NAGBARIL SA HARAP NG MISIS NA ISA RING PARAK!

0 22

Advertisers

DEAD on the spot ang isang Maritime Police nang magbaril sa sarili habang nakikipag-argumento sa kanyang live-in partner na isa ring pulis sa Taguig City.

Wala nang buhay nang madatnan ng mga rumespondeng pulis ang Patrolman na 27-anyos, nakatalaga sa Maritime Police sa Mariveles, Bataan, at residente ng Barangay Pinagsama, Taguig City.

Sa ulat, 12:00 ng tanghali ng Enero 3 nang mangyari ang insidente sa tahanan ng pulis.



Batay sa salaysay ni Police Staff Sergeant Marilyn Hurado, live-in partner ng biktima at nakatalaga sa Logistics Support Services sa Camp Crame, nagtatalo sila ng mister nang bigla itong kumuha ng baril at pinaputukan ang sarili.

Sa ngayon, nagsasagawa parin ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa insidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">