Advertisers

Advertisers

Bonus, bonus!

0 10

Advertisers

Nakakatawa ang isang post sa Facebook tungkol sa dami ng talo sa NBA Finals ni LeBron James.

Sa 10 raw na narating ni King James na championship ay 4-6 ang W-L record niya samantalang si Michael Jordan ay puro panalo sa anim na beses.

Tapos si Steph Curry raw ay 4-2.



Hindi alintana ng nagpost na mas marami ang total ng ama nina Bronny at Bryce. Eh mahirap yata makaabot sa dulo. Tanunngin ninyo sina Luka Donkic, Joel Embid, Damien Lillard, Chris Paul, Trae Young at Ja Morant. Isama pa natin sa listahan ang mga retiradong sina Allen Iverson, Steve Nash, Pete Maravich, Carmelo Anrhony at Chris Webber.

***



Alam ninyo bang may sariling pabangong marka si Scottie Thompson? Opo at ito ang Extraordinary Extrait De Parfum by Scottie Thompson. o mas kilala sa maikling tawag na ST Parfum.

Ang MVP ng PBA ay isa sa mga in demand sa mga endorser ng mga produkto dahil siya yata pinakapopular na player ngayon.



Kamakailan pumirma ng deal sa World Balance Shoes. Maglalabas ang tagagawa ng sapatos ng ST2 na ang disenyo ay collab mismo ng tubong Davao del Sur at ng WB. Ito ay pagkatapos na gawin ang ST1.

Ang ilan pang kumpanya at tatak na pinagkakatiwalaan ang dating University of Perpetual Help star-caget ay ang Arena Plus, Icy Cool Shake, Heads & Shoulders, Rubber Stop at Power Mac Center.

***

Ayon sa ating ibong pipit ay nakatanggap na ng cash bonus ang Green Archers at Red Lions mula sa mga main patron ng dalawang champion team. Tig -P500k daw mula kay Enrique Razon para sa mga player ng DLSu habang si Manny Pangilinan ay nagbitaw ng P200k kada manlalaro ng San Beda.

Pero ayon naman sa isang team insider ng SBC ay wala pa raw nakarating sa kanya. Tila isang courtesy call kay MVP sa Hong-Kong na opisina ang inihahanda ng kanilang team official.