Advertisers

Advertisers

Labs pa rin talaga… Enrique mananatiling kakampi ni Liza

0 8

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NOONG Huwebes, January 4, ay birthday ni Liza Soberano. Nag-upload si Enrique Gil sa kanyang Instagram story ng larawan nila ni Liza bilang pagbati sa 26th birthday ng dalaga, at isang short but sweet message ang caption niya rito.

Siyempre pa, gulat ang mga tagahanga ng LizQuen sa  birthday greetings na ‘yun ni Enrique kay Liza dahil sa balitang hiwalay na nga ang dalawa.



Ayon sa binata, mananatili siyang kakampi ng dalaga kahit ano pa ang mangyari.

“Happy Birthday our dear hopie!!! I’ll always have your back no matter what. Wish i was there to celebrate your special day [white heart emoji],” saad ni Enrique.



Noon pa man ay napapabalita nang nagtapos na ang mahigit limang taong relasyon nina Enrique at Liza dahil naging long distance na ang kanilang relasyon matapos magdesisyon ang dalaga na i-pursue ang career nito sa Hollywood.

Sa kabila ng hindi matapus-tapos na chika ay walang naging pag-amin ang dalawa ukol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.



Pinabulaanan pa nga ito ni Enrique noong April 2023 nang tanungin siya ukol sa break up nila ni Liza.

“We’re good, we’re good.

“She’s just really busy with her stuff there. I am going to be visiting her maybe when my schedule clears up. I think she’s coming back here. But yeah, we’re good,” saad ni Enrique.

Dagdag pa niya, “Because Hope [palayaw ni Liza] is in the U.S., she is doing her own thing which I am going to support no matter what. I love her to death.”

Samantala, may unreleased interview raw si Liza kung saan inamin niya na talagang wala na sila ni Enrique pero nakiusap ito na huwag nang ilabas sa publiko.

***

JANNO BINASH, NAGBAKASYON SA JAPAN KAMAMATAY LANG NI PAPA RONALDO

IPINAGTANGGOL ni Lolit Solis si Janno Gibbs sa mga patuloy na bumabatikos sa aktor at sa pamilya nito. Ito ay may kaugnayan sa pagbabakasyon ng mga ito sa Japan matapos ang pagkamatay ng ama nitong si Ronaldo Valdez.

Sabi ni Lolit,”Binibigyan malisya ng marami Salve iyon bakasyon ni Janno Gibbs sa Japan. Dahil kamamatay lang ng tatay niyang si Ronaldo Valdez gusto nila makita iyong grieving period ni Janno,” saad ni Lolit.

Ayon sa kolumnista, hindi naman porke hindi nakikita ng mga tao ang kanyang pag-iyak ay ibig sabihin hindi na ito nagluluksa.

“Not because you did not cry means you are not sad. Sadness is in the heart, hindi kailangan lahat nakakakita. Even in a crowd, puwede kang malungkot na hindi alam ng mga kasama mo,” pagpapaliwanag pa ni Lolit.

Aniya, personal emotion ito ng isang tao at hindi naman kailangang malaman pa ng madlang pipol.

Sey pa ni Lolit,“For sure kahit nasaan pumunta si Janno Gibbs nasa puso niya ang ama na si Ronaldo.

Dagdag pa ni Lolit, dapat daw ay patahimikin na si Ronaldo at huwag nang isali ang pangalan sa mga walang kwentang isyu.

“Let him rest in peace. Huwag na natin gamitin pa ang pangalan niya para lang sa mga walang kuwentang issue. Let us respect his memory. Go Janno in your own way of grieving for your dad. Let us pray together for his soul. Amen!”