Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
GUEST si Ara Mina sa Lovers/Liars na pinagbibidahan ni Claudien Barretto at kahit first time ito na nagkasama ang dalawang aktres sa isang Kapuso series ay naging close na sila agad.
Nag-post pa nga si Claudine sa kanyang Instagram account tungkol kay Ara.
“Thank you @therealaramina for being so sweet & compassionate. You are truly one beautiful soul. [Love you] sis.”
Pero sa Lovers & Liars ay mortal silang magkaaway dahil si Claudine bilang Via ang pangalawang asawa ni Ramon Laurente (Johnny Revilla) at gumaganap naman si Ara bilang Elizabeth, ang unang asawa ni Ramon na muling nagbalik para maningil.
Huling linggo na ng Lovers/Liars at nag-share rin ni Claudine kung gaano niya mami-miss ang mga bago niyang “pamilya” sa serye.
“Gonna miss my Lovers & Liars family,” post pa rin ni Claudine sa kanyang IG account.
Dapat tutukan ang mga pasabog sa huling linggo ng Lovers & Liars, Lunes hanggang Huwebes, 10:05 p.m. sa GMA.
Papalitan ito ng Love. Die. Repeat. ni Jennylyn Mercado with leading Xian Lim.
***
CONFIRMED na may season 2 ang Running Man Philippines!
Sa katunayan, lilipad na sa isang linggo ang cast ng Running Man Philippines 2 patungong South Korea.
Sina Glaiza de Castro, Mikael Daez, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Angel Guardian at Kokoy de Santos pa rin ang mga kasali dito minus Ruru Madrid na abala pa rin sa taping ng Black Rider na patuloy na umaalagwa sa ratings game.
At para sa tinaguriang Boss G ng grupo na si Glaiza, kahit daw tiyak na mas magiging mahirap ang sumabak sa challenges at missions this time (dahil sa sobrang lamig ngayon sa South Korea dahil winter doon) ay makakaasa ang fans na kakayanin nila ang lahat para maipakita ang ganda ng winter season sa Korea.
Lahad ni Glaiza, “Yung lamig tipong hindi papawisan si Buboy magye-yelo yung pawis niya, kasi below zero degrees nagso-snow pa minsan.
“Kasi na-experience ko na rin yung winter sa South Korea before at ang hirap talagang gumalaw, dahil sa sobrang lamig.
“Pero, siyempre kakayanin namin lahat dahil masaya rin makita ang winter ng mga Kapuso natin dito sa Pilipinas.”
***
SI Jillian Ward ang isa sa mga nais ipag-produce ni Madam Baby Go ng pelikula in the near future sa pamamagitan ng kanyang BG Films International.
Napapanood daw niya si Jillian sa Abot Kamay Na Pangarap at nahuhusayan siya rito bilang aktres.
Incidentally, cast member din ng Abot Kamay Na Pangarap ang bidang lalaki sa upcoming film ng BG Films International, si Allen Dizon.
Gumaganap bilang Dr. Carlos Benitez si Allen sa Abot Kamay Na Pangarap na asawa ni Lyneth Santos played by Carmina Villarroel.
Isa ring Kapuso ang female lead star sa AbeNida, si Katrina Halili na napapanood naman sa Black Rider.