Advertisers

Advertisers

US Nursing Review Center at Protocol Legions sanib-pwersa sa pagtulong sa mga kababayang Pinoy

0 8

Advertisers

Ni FAVATINNI SAN

MAY U.S. Nursing Review Center sa Pilipinas, matatagpuan sa 93 EDSA cor. Urdaneta St. Guadalupe Nuevo, Makati City. Ang sikat na Nclex instructor, si Dr. Maryjane Evangelista ang nanguna sa ribbon cutting kasama sina Dr. Ronald Adamat (Ched), Bea Binene (actress), Jiji Plays (popular livestream player) at Maureen Beatriz Bermundo  (little Miss Universe 2021, Europe).

Ang sikat na dance groups na Cool Kids ay nagbigay ng intermission number na labis na kinalugdan.



Marami ang dumalo sa pagbubukas ng U.S. Nursing Review Center, ang pamilya ni Dr. MJ sa ‘Pinas, ang klasmeyts sa kolehiyo, mga academe ng iba’t ibang kolehiyo o unibersidad/ faculty of nursing gaya ng Pamantasang Lungsod ng Maynila, San Beda College, Arellano University, Emillio Aguinaldo University, na pawang nagbigay ng suporta sa review center na matagal na pangarap ni Dr. MJ.

Sobrang nagpapasalamat si Dr. MJ sa kanyang team at event teams kaya naging matagumpay ang pagbubukas ng  U.S. Nursing Review Center.



Kung tutuusin sa labing walong taong karanasan sa pagtulong sa mga nursing students para magkaroon sila lisensiya (makapasama sa Nclex), si Dr. MJ lang ay may prebilihiyong magbigay ng instruksiyon sa lahat ng major nursing colleges at unversidad sa Chicago, lL, USA.

Sa Q & A, nasabi ni Dr. MJ na gusto niya kasing matulungan ang mga kababayan natin/Filipino nursing graduates na sa pamamagitan ng U.S. Nursing Review Center ay mabigyan ng katuparan ang kanilang pangarap thru employment search services.



Matiwasay ang pamumuhay nila ng kanyang asawang si Boss MB sa Amerika pero naiisip niya ang pagtulong sa ating mga kababayan. Naalala niya nuong nurse siya, unang punta sa Amerika na binigyan siya ng tatlong buwan na tourist visa kayabnagpursige siyang maipasa ang Nclex.

Siya nga pala, ang Protocol Legions ni Boss MB ay nagsimula na rin, isang non-profit organization.

Sa lahat ng interasado na mga nursing graduate na gustong magrebyu thru U.S. Nursing Reviw Center, please contact them.