Matapos Magtiis Ng 3 Taon… Rosanna Roces Malaya Na Sa Viva AKaliwa’t Kanan Ang Offer; Ka Rex Cayanong Pinagkalooban Ng Silver Button
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
TO be exact, today, January 9 (Tuesday) ay pwede nang kumanta si Rosanna Roces ng awiting “MALAYA KA NA” ni Lani Misalucha.
Yes, confirmed Osang is now free with her 3 year-contract at Viva Artist Agency o VAA. At sobra ang tiniis na sama na loob ng kaibigan naming multi-awarded actress (Rosanna) sa Viva, na hindi raw talaga tumupad sa mga ipinangako sa kanya tulad ng pagbibidahin daw siya sa malalaking pelikula like remake ng classic movie na “PIETA.” Sa 3 years na tumakbo ang kontrata ni Osang ay cheapy-cheapy lang ang project na ibinigay sa kanya ng Viva.
And worst, one day shoot lang siya lagi. Excuse me, iconic ng maituturing si Osang at hindi siya starlet na tulad ng mga artista niyo sa Vivamax. At saka sino ba ang nagpasikat ng Vivamax ek ek niyong yan. Hindi ba’t si Rosanna at kanyang co-stars sa “Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar” ni Direk Darryl Yap. Swerte sa inyo si Osang tapos ibuburo niyo lang pala ang career ng tatlong taon sa movie outfit niyo. Tapos, pagba-bangkain niyo pa papunta sa set, grabe ang cheap niyo. Ngayon kayo ang sumakay sa bangka hahaha! Hayan, dahil mabait si Osang at hindi kumukupas ang husay sa pag-arte, maliban sa markado ang contravida character na si Criselda sa “Pira-Pirasong Paraiso” ng Dreamscape Entertainment na nasa huling tatlong linggo na at patuloy na mapapanood weekdays sa Kapamilya Chanel, TV5 at A2Z Chanel 11. Dalawang malalaking teleserye ang alok kay Osang. Hindi pa nga nagsisimula ang taping nito para sa “Pamilya Sagrado” na pagbibidahan ni Piolo Pascual. Hayan at tinawagan na ng Batang Quiapo ang partner at manager ni Osang na si Blessy Arias at pinagre-ready na si Osang para sa kanyang magiging role sa Batang Quiapo ng love ng sikat na Kapamilya aktres na si Coco “Tanggol” Martin.
At mukhang ibabalik ng BQ ang tandem nila sa Patikim Ng Pinya ni Leandro Baldemor na pinilahan talaga noon sa takilya. Tapos, may movie pa si Osang kay Direk Neil “Buboy” Tan na “Ikalawang Ina.” O di ba, very exciting ito na maglalagare sa dalawang show ang friend namin for life na hanggang ngayon ay Diyosa pa rin ng Kagandahan na si Rosanna Roces.
Ganyan talaga kapag marunong kang mag-share ng blessing, ibabalik din sa iyo ni Lord, at siksik liglig pa. Oh, belatt sa iyo Burukang Lolit Solis and your kampon. Wala na kayong mahihita pa kay Osang kahit singkong duling.
***
NAKAKA-proud naman talaga ang hard-hitting broadcaster na kumpare naming si Ka Rex Cayanong. Bukod kasi sa almost 2 decades ng popular radio program na “TARGET ON AIR,” may narating na rin sa pagiging vlogger si Ka Rex.
Kamakailan lang ay tumanggap siya ng Silver Play Button mula sa YOUTUBE para sa 100K subscribers sa YT Chanel nitong “REX CAYANONG.” At sa ngayon ay nasa 112K subscribers na ito and still counting at parami pa ang kanyang viewers.
Patas kasing mamamahayag si Ka Rex at never siyang naging bias lalo na sa mga pulitiko at negosyante na majority ay kaibigan na niya. Marunong din sa buhay si Ka Rex na marami nang investments tulad ng bahay, expensive cars at malawak na farm na may alagang manok na pangsabong at napag-aaral ang mga anak sa private school.
Yes, tulad ng kanyang idol na si Mr. BITAG Ben Tulfo, malayo na rin ang narating ni Ka Rex bilang broadcaster. Kolumnista rin siya sa kilalang mga tabloid.
***
Janna Dee, Bida At Producer Ng “Ang Babaeng Ayaw Mamatay” Movie
MALAKAS sa social media ang baguhang movie producer at actress na si Janna Dee na bibida sa “ANG BABAENG AYAW MAMATAY.” Nasa 24K (still counting) na ang followers nito sa kanyang FB Page.
Nakausap ng ilang entertainment press and vloggers sa storycon ng kanilang movie si Ms. Janna na ang tumatayong executive producer ay si Direk Ryan Manuel Favis. Present din sa said storycon ang ilan sa bibidang cast na sina Ara Mina, Simon Ibarra at Deborah Sun. May pagka-historical ang movie at controversial ang dating ng title nito na masu-suspense ang makakapanood nito.
Naghahanda na si Janna, the actress producer sa first shooting day ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay na action movie na may halong kilig ayon pa kay Direk Ryan. In all fairness, ang ganda ng registration ng mukha ni Janna na ang lakas ng sex appeal. Si Ron Sapinoso ang director ng Ang Babaeng Ayaw Mamatay. Parte rin ng cast nito sina Jackielou Blanco, Victor Silayan at iba pa. Si Direk Ryan pala ay may movie sa Inding-Indie Film Festival na “ART IS HEART” starring Renzie Liboon, James Jacinto, Nash Briones and Yesha Baclor. Syempre, love story ang tema ng movie.