Advertisers

Advertisers

Higit 400 toneladang basura nahakot sa traslacion

0 6

Advertisers

TINATAYANG mahigit 400 tonelada ng basura o nasa 148 trucks ng basura ang nahakot ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila mula Enero 6 hanggang Enero 10, 2023, mula lahat ng aktibidad na may kaugnayan sa pagbabalik ng Traslacion kasabay ng pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno, mula Quirino Grandstand hanggang sa Simbahan ng Quiapo.

Ayon kay Atty. Princess Abante, Chief Communication ng Office of the Mayor, sa pinakahuling ulat ng Department of Public Services (DPS) nitong 8 ng umaga, Miyerkules (Enero 10) 407 metriko tonelada ng mga basura ang kanilang nahakot sa loob ng limang araw, kabilang na dito ang nasa 128 metriko tonelada ng basura na may katumbas na 46 trak ang nahakot sa mismong araw ng Traslacion nitong Enero 9.

Batay sa rekord, mas kakaunting basura ang nahakot nitong nagdaang Traslacion kumpara noong huling isinagawa ang prusisyon noong Enero 2020 kungsaan 330 tonelada ng mga basura na karamihan ay gawa sa plastik ang mga nahakot ng DPS.



Wala namang naiulat na nasawi sa pagdiriwang, ngunit may ilang deboto ang nasaktan, nasugatan sa paa, hinimatay, at nahirapang huminga na agad namang nabigyan ng paunang lunas.

Samantala, umabot ng 15 oras ang prusisyon bago naibalik sa loobng simabahan ng Quiapo ang Itim na Nazareno.



Umalis 4:45 ng umaga ng Martes ang andas ng Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand at naipasok ito sa Simbahang ng Quiapo 7:44 ng gabi, kungsaan tinatayang umabit sa 6.5 milyon ang debotong nakibahagi.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">