Advertisers

Advertisers

Mommy kinatay, anak ni-rape ng karelasyon ng ina

0 16

Advertisers

PINASLANG ng isang lalaki ang kanyang kasintahan at ginahasa pa ang 13-anyos na anak nito sa Sitio Panadtaran, Barangay Gumagamot, Lala, Lanao del Norte nitong Enero 5.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Lala Municipal Police Station sa pangunguna ni officer-in-charge Police Major Ronald Angelo Rivel, dinala ng salarin na si Juvy delos Santos, ng Purok Bumvil, Sugod, Tukuran, Zamboanga del Sur, isang fish cage guard, sina Vergie Sande Erana at kanyang anak sa isang fish cage sa karagatan sakay ng fishing boat, kasunod ng pagtatalo ng magkasintahan dahil sa selos.

Sinakal umano ng lasing na si Delos Santos si Erana gamit ang lubid hanggang mamatay ito at itinapon ang kanyang katawan sa dagat.



Ginahasa pa umano ng salarin ang anak ni Erana at dinala ito sa kanyang bahay at pinagtangkaan patayin sakaling magsumbong ito.

“So hinatid niya pauwi sa bahay ang bata, late na nagsabi ang bata na ni-rape siya at kung saan ang mama niya,” ani Rivel.



Natagpuan ang bangkay ni Erana nitong Sabado ng umaga.

Naaresto ng mga pulis ang salarin na miyembro ng ‘Batang Mindanao 29’ gang, sa manhunt operation sa Barangay Maraya, Vincenzo Sagun, Zamboanga del Sur nitong Enero 6.



Nahaharap si Delos Santos sa kasong murder at rape na walang inirekomendang piyansa.

Nakulong na ang suspek sa kasong frustrated murder sa Tukuran.

“Frustrated murder kasi may binugbog siya at hinampas ng bato sa ulo, na-filan ng kaso frustrated murder at nakulong siya,” paglalahad ni Rivel.