Advertisers
DALAWANG lugar ang aming pinuntahan sa aming pananaliksik tungkol sa Metro Manila: ang tindahan ng mga bulaklak sa Dangwa sa distrito ng Sampaloc sa Maynila; at ang tindahan ng mga gulay at prutas sa Divisoria sa distrito ng Tundo sa Maynila. Isang gabi, inikot namin ang dalawang lugar upang malaman kung ano na ang kanilang estado. Kasama ng inyong lingkod ang isang kaibigan na pumayag na maging photographer ng mga eksena sa dalawang lugar.
Unahin natin ang tinawag na Dangwa, o bagsakan ng mga bulaklak, o cutflower, na nanggaling sa iba’t ibang lugar mula Cordillera hanggang Batangas at Quezon. Tinawag itong Dangwa dahil katabi ito ng estasyon ng bus na ang pangalan ay Dangwa Bus sa panulukan ng Laong Laan at Dimasalang sa Sampaloc. Hindi na Dangwa ang pangalan ngayon: Metro Manila Floral Center.
Nag-umpisa itong maging bagsakan ng mga bulaklak sa mga unang bahagi ng dekada ng 1970. Mayroon ilang tindahan na nagbebenta ng bulaklak sa likod ng estasyon ng Dangwa Bus sa kalye Dos Castillas. Ibinagsak ng mga bus ang mga bulaklak na galing sa La Trinidad Valley, ang taniman ng mga bulaklak sa tabi ng Baguio City.
Lumago ang kanilang negosyo. Kalaunan, dumami ang mga nagtinda ng bulaklak at lumawak na rin ang bagsakan ng mga bulaklak. Hindi lang sa Dos Castillas ang bagsakan. Bagkus, sinakop nila ang mga katabing lansangan ng Don Quijote, Maria Clara at Laong Laan. Hindi lang bulaklak sa mga namayapa ang kanilang ibinebenta kundi mga patay para sa buhay lalo na sa mga pasyente sa ospital, mag-asawa, at magsing-irog.
Halo-halo ang mga bulaklak na mabibili a Manila Floral Center. Mayroon rosas, hydrangea, sunflower, daisy, at iba’t ibang uri ng orchid. Mayroon rin gerberas, anthurium, ilang-ilang, aster, at marami pang iba. Dahil sa lakas ng negosyo, natuto na rin umangkat ang mga tindera ng mga bulaklak galing Thailand at the Netherlands.
Pinakamabili ang mga bulaklak doon sa panahon ng Undas, Valentine’s Day, at Kapaskuhan, ayon sa mga tindera na nakausap namin. Lumagpas sa itinakdang lugar ang mga tindera na pawang nagdadagsaan doon. Kahit mga taga ibang lugar dumarating sa Manila Floral Center upang sumali sa bentahan ng mga bulaklak.
Mayroon asosasyon ang mga tindera ng bulaklak upang pangalagaan ang kanilang interes at magkaroon ng kaayusan ang negosyo ng bulaklak sa lugar. Dahil sa dami ng mga nagtitinda doon, matindi ang kompetisyon ng mga tindahan ng bulaklak doon.
***
LUMAWAK rin ang bagsakan ng mga prutas sa Divisoria. Sinakop ang ilang kalsada. Dati nasa mga kalsada lang ng Asuncion, Elcano, Sto Kristo, at Bilbao ang mga nagtitinda ng prutas sa Divisoria. Ngayon umusad na hanggang Lakandula, Padre herrera, Maria Payo at Folgueras ang bagsakan. Nadoble ang laki ng bagsakan. Hindi nalalayo sa Dangwa sa nakalipas na tatlo o apat na dekada
Maraming prutas sa palengke ng Divisoria. Nariyan ang mga napapanahong prutas tulad ng mangga, saging, pakwan, milon, at dalanghita. Sa paglilibot namin sa Divisoria, nakia namin ang santambak na mangosteen, durian, marang, at chesa na pawang hindi nabibili sa mga pangkaraniwang palengke. Hindi nalalayo ang Divisoria sa karibal na palengke ng Balintawak.
Marami rin ang gulay sa bagsakan ng Divisoria. Nariyan ang kamatis, sibuyas, bawang, at lahat halos ng gulay na binabanggit sa awiting “Bahay Kubo.” May mga tinda ng mga gulay na hindi pangkaraniwang nakikita sa ibang palengke tulad ng patola, kundol, at iba pa.
Masigla ang mga bagsakan ng Dangwa at Divisoria sa gabi. Nag-uumpisa ang matinding kalakalan sa alas-8 ng gabi hanggang dumating ang hatinggabi kung saan nagdadatingan ang iba’t ibang kalakal mula sa malalayong lugar. Kasabihan sa Divisoria na walang nagugutom na masipag sa pangkeng iyon. Tanging ang mga tamad at ayaw magbanat ng buto ang mga nagugutom.
***
ISINULAT ko ang munting sanaysay sa Ingles noong 2018 sa panahon na kasagsagan ang giyera kontra droga at may mga usapin sa husgado. Pakibasa:
OMISSION AND/OR COMMISSION.
Somebody asked the reason of Sol/Gen Calida’s refusal to give the Supreme Court the documents on the more than 3,000 deaths associated with the bloody antidrug war of the sick old man of the South. The netizen pertinently mused: “May itinatago o walang mailabas? (are they hiding something,, or they couldn’t present anything)?” My answer: “Pareho, pero lamang ang huli. Hindi nila kinukumpleto ang dokumentasyon kasi hihingin sa kanila iyon. Lalo na kapag may nagpetisyon ng writ of habeas data. (Both, although the latter takes a big part.
They’re are not completing the documentation because other parties would as for them especially those who have filed petitions for writ of habeas data.” Let me explain.
For sure, law enforcers, particularly the Philippine National Police (PNP), have many things to hide. But to save their skin, PNP officials would not take to task the complete documentation of the reported 3,000 deaths. This is to prevent any paper trail of those deaths and ensure that law enforcers, or even vigilante forces, behind those deaths would not be in any way prosecuted before the Bar of Justice. Moreover, the absence of official data would prevent interested parties from asking for official reports and information for the simple reason there is nothing to ask for.
The writ of habeas data is quite a new judicial measure in the Philippines. Interested parties could seek the court for a writ of habeas data to compel the military, police, and other state agencies to release information about the murder or disappearance of specific persons. The writ of habeas data, when granted by a competent court, would allow their families access to official records. Habeas data complements another judicial measure – the writ of amparo, which seeks to protect victims of state violence and their families from harassment, intimidation, and even reprisals.
***
MG APILING SALITA: “We had storm surges. Now, we have polar vortex hitting North America. These terminologies are part of the global climate change. Its lexicon keeps on increasing; supertyphoons, tsunamis, mega-tornados are just some. But more than the increasing number of words, we have to increase the level of disaster awareness, preparedness, and mitigation. This is a must.” – PL, netizen. Kritiko
“POLITICS is an ungrateful bitch. Those politicians, who do good things, are not amply rewarded. On the contrary …” – George Jose
“The nerve of Inday Sara! Talking about honesty when she couldn’t even honestly justify how she spent P125M in 11/19 days.” – Isabel Merana, netizen, kritiko