Advertisers

Advertisers

55 TAON NA WALA NAMANG NANGYAYARI

0 8

Advertisers

NAKATANGGAP tayo ng ulat mula kay Lieutenant Colonel Allan T. Tria, Battalion Commander ng 78th Infantry Battalion diyan sa Eastern Samar, na ang kanilang tropa ay napatay si Martin Cardeño Colima @MOKI, Secretary of Sub-Regional Committee-SESAME, Eastern Visayas Regional Party Committee (SRC SESAME, EVRPC) ng teroristang grupong ng New People’s Army.

Isang enkwentro raw ang naganap sa Brgy San Gabriel, Borongan City, Eastern Samar, nitong January 6, 2024 lamang. Halos katanghalian o’ 11:30 naganap ang bakbakan
sa pagitan ng 78th Infantry (WARRIOR) Battalion na nagsasagawa ng security patrol at grupo ng NPA.

Ang 78th Infantry Battalion ayon kay Lt. Col. Trial ay nasa ilalim ngb802nd Infantry (Peerless) Brigade, 8th Infantry (Stormtroopers) Division ng Philippine Army.



“We were responding to repeated reports of the civilians regarding the presence of the terrorist NPA in Brgy San Gabriel conducting extortion activities and planning to liquidate members of CAFGU auxiliary and some Former Rebels. Details of their (NPA) sighted locations, movements and activities revealed by the civilians provided our patrolling troops a chance to track their location that resulted to an encounter that resulted to the death of Martin Colima @Moki, the Secretary of SRC-SESAME. The government troops also recovered one (1) Caliber .45 Pistol and seven (7) backpacks in the encounter site,” ang pag-uulat ni Lt. Col. Tria.

Si Colima, aniya ay ang mastermind at isa sa mga involved sa isang ambush incident sa may National Highway of Brgy Libuton, Borongan City, Eastern Samar noong December 13, 2019 na nakapatay sa isang pulis at tatlo pang sibilyan at nakasugat ng labing-dalawa pa, kabilang ang tatlong menor de edad, isa sa kanila ay isang taong gulang na baby lamang.



Nakakalungkot man ang balitang ito, maaaring di naman nangyari kung sila Colima ay tumalima sa panawagan ng kanilang mga kababayan sa Eastern Samar na magsisuko na lamang, at talikuran na ang maling paniniwala na dulot ng CPP-NPA-NDF.

Siguro naman, ang natitira pang mga gaya ni Colima ay magdadalawang isip na, kung ipagpapatuloy pa ang armadong pakikipaglaban nila sa mga tropa ng pamahalaan, o’ susuko na lamang upang makaiwas sa tiyak na kamatayan?



Si Colima at ang iba pang gaya niyang natitira pang katiting na bilang ng CPP-NPA-NDF ang siya na lamang na nalalabing naniniwala sa limampu’t limang (55) taon ng pakikipaglaban at pagtatangkang again ang pamahalaan, na di pa nangyayari magpa-hanggang sa ngayon.

55 TAON na silang patago-tago, takbo-ng-takbo, baril dito, baril doon, nang wala namang nangyayari kung di sila ay mapatay.

BIGO hanggang ngayon, dahil wala nang naniniwala.