Advertisers

Advertisers

Jayson Tatum, binuhat ang Celtics vs Raptors

0 6

Advertisers

KUMAMADA si Jayson Tatum ng 19 points,14 rebounds at six assists upang buhatin ang bisitang Boston Celtics na durugin ang Toronto Raptors 105-96, Lunes ng gabi sa Scotiabank Arena

Jrue Holiday nagdagdag ng 22 points at seven assists para sa Celtics, na dinaig ang Raptors ng walong sunod-sunod na tagpo. Derrick White nag-ambag ng 22 points,Kristaps Porzingis umiskor ng 15 points at Al Harford bumakas ng 10 points at 11 rebounds para sa Boston nagwagi sa ikatlong pagkakataon sa apat na laro overall.

RJ Barrett umiskor ng 24 points at humatak ng nine rebounds para sa Raptors, na bumalikwas mula sa 2-4 road trip.



Immanuel Quickley nagdagdag ng 21 points, para sa Toronto habang si Pascal Siakam umiskor ng 17 points, Scottie Barnes may 10 points at 13 rebounds at Dennis Schroder bumakas ng 13 points.

Boston kumana ng 40.2 percent mula sa field, kabilang ang 16 of 39 (41 percent) mula sa 3-point range.