Advertisers

Advertisers

Eala sasabak sa India

0 9

Advertisers

ANG Filipino tennis ace Alex Eala ay nakatakdang sumabak sa dalawang tournaments sa India kasunod ng maiksi na pag-ganap sa Australian Open qualifier.

“I leave on Thursday for India,” Wika ng 18-year-old Eala sa panayam ng CNN Philippines’ Sports Desk.

“I have two tournaments there and after that it’s still kind of foggy. I don’t have a concrete schedule after that.”



Ang dalawang Indian tournaments na tinutukoy ni Eala ay ang W50 Pune mula Enero 22 hanggang 28 at ang W50 Indore mula Enero 29 hanggang Pebrero 4.

Habang wala pang konkretong iskedyol pagkatapos ng nabanggit na Indian tournaments, sinabi ni Eala na ang kanyang goal ay maglaro ng isa sa apat na grand Slams ngayong taon- ang French Open,Wimbledon,US Open,at ang Australian Open.



“That’s the goal (play in all of the Grand Slams), definitely. I’m going to work towards being able to do that.”

Ang pangarap na Olympics ay hindi prayoridad para kay Eala.



“I would love to go to Paris. Obviously, the Olympics is one of my dreams. It’s one of the biggest stages for athletes but it’s a complicated process to get in and very difficult so right now, I’m not so sure.”

Kagaya noong isang taon, Maagang napatalsik si Eala sa Australian Open qualifiers ng yumuko kay Rebecca Peterson ng sweden sa first round.