Advertisers
GINAPI ng National University of Nazareth School ang De La Salle Zobel,70-61, para matiyak ang semifinal berth sa UAAP Season 86 high school boys basketball tournament sa Filoil EccoOil Centre Miyerkules.
Nigerian Collins Akowe, na nangunguna sa MVP race, umiskor ng 20 points at 20 rebounds para sa Bullpups na nakamit ang kanilang ika-siyam na tagumpay sa 11 laban at manatiling second place, sa likuran ng unang semifinalist Adamson (9-1).
Mac-Mac Alfanta nag-ambag ng 13 points, seven rebounds, at two assists para sa NU.
Chad Cartel at Klein Tagotongan, nagtala ng tig-9 points, at gumawa ng seven at five assists, ayon sa pagkakasunod.
Kiefer Alas may 18 points,four assists at three rebounds para sa Green Archers, na nalasap ang kanilang ika-walong kabiguan at may 3 panalo.
Waki Espina nagdeliver ng 17 points,15 rebounds, four blocks, at three steals habang si Maco Dabao bumakas ng 14 points,four rebounds, at two steals.
Sa iba pang laro, Nakaligtas ang Far Eastern University-Diliman sa University of the East,66-62 para patatagin ang kanilang Final Four campaign.
EJ Herbito umiskor ng 16 points,kabilang ang four triples,para mapanateli ang Tamaraws sa fourth place na may 6-5 rekord.
Veejay Pre may 11 points, eight rebounds, three assists,one steal, at one block para sa FEU, na bumalikwas mula sa 66-76 loss sa Adamson University nakaraang Linggo.
Cabs Cabonilas tumikada ng 10 points,10 rebounds, three blocks, two assists, at two steals.
UE, na sumadsad sa sixth place sa 4-7 may 3 players na nagtapos sa double figures.
Lance Sabroso nagtala ng 17 points at 4 rebounds,Kristoper Lagat umiskor ng 13 points at six rebounds, habang si John Edry Alejandro, may 12.