Advertisers

Advertisers

MARCOS MAY PANAWAGAN SA SINULOG DEVOTEES

0 3

Advertisers

NAGPAABOT ng pakikiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa milyun-milyong deboto ng Señor Sto. Niño sa paggunita ng Sinulog Festival.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni PBBM ang mga deboto na isabuhay ang kanilang pananampalataya sa paggawa ng mabuti at magbahagi ng mensahe ng pag-asa, pagmamahal, at kasiyahan sa iba.

Umaasa ang Pangulo na mananatili ang pagkakaisa ng mga deboto ng Holy Child sa pagpapalago ng sosyo-ekonomikong kaunlaran sa kanilang lungsod at sa mas pinaigting na pag-unlad ng industriya sa Cebu.



Pinaalalahanan niya ang mga deboto na gawing gabay at inspirasyon ang espiritu ng bayanihan upang mapanatiling buhay ang katoliko at panlipunang obligasyon tungo sa “Bagong Pilipinas” na nagbubukas ng mas mabuti at mas masaganang buhay para sa lahat ng Pilipino.

Ipinarating din ni Pangulong Marcos ang kanyang taos-pusong pagbati sa mga taga-Cebu City habang nakikiisa sa pagdiriwang ng Sinulog Festival, isang pagtitipon na ginaganap tuwing Enero upang ipakita ang kanilang debosyon kay Señor Sto. Niño.



Inilalarawan niya ang okasyon bilang isa sa pinakamakulay at pinakamasiglang pagdiriwang sa Pilipinas kung saan ang mga Pinoy mula sa iba’t ibang antas ng lipunan ay nagpapahayag ng kanilang malalim na pasasalamat para sa mga milagro, biyaya, at maraming pagliligtas na ipinagkaloob sa kanila sa mga nakaraang taon.

Aniya, ito rin ay isang pagkakataon upang manalangin para sa mabuting kalusugan, proteksyon, at kasaganaan sa darating na taon. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">