Advertisers

Advertisers

Naging malaking bar ang Tondo sa pista ng Sto. Nino

0 11

Advertisers

AFTER 3 year ng walang pista dahil sa paghihigpit sa pandemya ng Covid 19, nagmistulang malaking bar ang Tondo sa pagdiriwang ng pista ng Sto. Nino nitong Linggo. Grabe!

Sabado pa nga lang ay nagsimula nang maglatag ng mga lamesa sa kani-kanilang bangketa ang mga residente.

Opo! Sa 25 years ko nang paninirahan sa Tondo, ngayong pista ko lang nasaksihan ang ganun karaming tao na nagsasayawan sa gitna ng mga kalsada, mula umaga hanggang madaling araw ang laklakan at kantahan sa videoke. Lahat ng kalye puno! Grabe!!!



Ang maganda pa rito, mga pare’t mare, walang gulong nangyari unlike before na bumabaha ng dugo ‘pag piyesta sa Tondo. Ngayon, puros pagsasaya lang ang mga tao. Amazing!!!

Iba na nga ngayon ang Tondo, hindi na magulo, lugar na ng mga relihiyoso. Oo! Sa Tondo mo lang matatagpuan ang napakaraming grupo ng mananampalataya ng Sto. Nino pati Nazareno.



Mabuhay ang mga taga-Tondo!

***



Pinagre-resign ng ilang mambabatas si PCSO General Manager Mel Robles dahil sa pagkawala na raw ng tiwala ng mga tao sa opisyal, matapos aminin niyang niretoke ang larawan ng iprinisintang lotto winner last week.

Kinuwestyon din ng publiko ang sunud-sunod na mga nanalo at ang biglang lobo ng napakalaking jackpot mula sa initial pot.

Say ni Congressman Ace Barbers, nawalan na ng tiwala ang publiko kay Robles kaya marapat lamang na magbitiw nalang ito out of delicadeza.

Tama si Barbers. Public office is a public trust. Wala nang tiwala ang publiko kay Robles, tamang mag-resign na! Now na!

***

Sabi ng mga Maritesss… mga taga-PCSO lang din daw ang nananalo sa lotto. Ginagamit ang pondo ng PCSO pantaya. Hmmm… puede!

Sa mga computation kasi, kapag sobrang laki na ang jackpot kungsaan maari nang kumabig ng malaki ang isang milyonaryong mananaya na susugal sa lahat ng kombinasyon, maari ngang mangyari ito.

Pero ang maaring imbestigahan dito ng Kongreso ay ang mga lotto outlet na sinasabing nagpatama ng multi-million jackpot. Kung kumpirmadong may tumama nga sa kanilang outlet sa kabila na maliit lang ang kanilang sales, meaning tunay na may nanalo. Pero kung ang sales ng naturang outlet ng araw na iyon ay daan daang milyones, questionable yun. You know!