Advertisers
PATAY ang isang kawani ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) nang barilin habang nasa loob ng kotseng nakaparada sa tapat ng isang shopping mall ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa Cotabato City, Martes ng gabi, January 23, 2024.
Magkahiwalay na kinumpirma, isang oras makalipas, nina Major Amil Andungan, Jr, hepe ng Cotabato City Police Precinct 2; at ni Bangsamoro Regional Police director Brigadier General Allan Nobleza ang pagpatay sa 50-anyos na si Sulaiman Kusain Macabangon, empleyado ng BTA, mas kilala bilang Bangsamoro parliament na binubuo ng 80 mambabatas.
Mabilis na nakatakas ang salarin na riding in tandem sa gitna ng kaguluhang dulot ng ilang putok na umalingawngaw, mga isang kilometro lang ang layo, sa hiwalay na mga direksyon, sa People’s Palace na siyang local government center ng Cotabato City at sa kapitolyo ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa insidente.