Advertisers

Advertisers

7-Eleven hinoldap ng kostumer

0 6

Advertisers

Nagsasagawa ng manhunt operation ang Cavite police laban sa suspek na nagholdap sa isang convenience store sa General Mariano Alvarez (GMA), Biyernes ng hapon.

Inilarawan ang suspek na naka-blue jacket, itim na jogging pants na may lining stripes at sakay ng isang pulang motorisklong Honda na walang plaka at armado ng isang di nabatid na kalibre ng baril.

Sa ulat, 5:05 ng hapon nang pumasok ang suspek sa nasabing convenience store sa Blk 11 Lot 1, Brgy Macario Dacon, GMA, Cavite at nagpanggap na customer.



Nang makapasok, agad na tinutukan ng baril ang staff saka nagdeklara ng holdap at puwersahang tinangay ang P6,000 kita ng tindahan.

Pagkatangay ng pera, mabilis na tumakas ang suspek sakay sa nakaparadang motorsiklo.

Nirerebyu ngayon ng awtoridad ang mga Closed Circuit Television (CCTV) sa lugar para sa pagkakakilanlan ng suspek.