Advertisers

Advertisers

Dalaga nalitson sa sunog sa Cavite

0 33

Advertisers

NALITSON ng buhay ang isang 26-anyos na dalaga sa sunog nang ma-trap ito sa tinutuluyang apartment sa Barangay Zone 4, Dasmarinas City, Cavite.

Sa report, sunog na sunog ang biktima nang matagpuan sa loob ng apartment na nakilala sa pangalang Gezcel.

Sa ulat mula kay FO2 Ryan Biago, Fire investigator, 9:00 ng umaga nang magsimula ang sunog sa apartment na tinutuluyan ng biktima. At dahil sa malakas ang hangin, mabilis na limaki at kumalat ang apoy.



Ayon sa nakasaksi sa insidente na si Barangay Tanod Gerlad Lachica, tinangka niyang tulungan ang biktima nang makita niya ito na sumisigaw at humihingi ng tulong sa loob ng nasusunog na apartment, subali’t dahil sa malakas ang apoy at kalat na sa buong apartment, hindi na nakayanang mailabas ang biktima hanggang sa dumating ang mga bumbero.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang sanhi at pinagmulan ng sunog. (Irine Gascon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">